Add parallel Print Page Options

11 Iwan mo ang iyong mga ulilang anak, aking iingatan silang buhay: at magsitiwala sa akin ang iyong mga babaing bao.

12 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, (A)silang hindi nangauukol magsiinom sa saro ay walang pagsalang magsisiinom; at ikaw baga'y yayaong lubos na walang parusa? ikaw ay hindi yayaon na walang parusa, kundi walang pagsalang iinom ka.

13 Sapagka't ako'y sumumpa sa pamamagitan (B)ng aking sarili, sabi ng Panginoon, na ang (C)Bosra ay magiging katigilan, kakutyaan, kasiraan, at kasumpaan; at ang lahat ng mga bayan niyaon ay magiging walang hanggang pagkasira.

Read full chapter