Add parallel Print Page Options

11 Sapagka't tinubos ng (A)Panginoon ang Jacob, at tinubos niya siya sa kamay ng lalong malakas kay sa kaniya.

12 At sila'y magsisiparito at magsisiawit (B)sa kaitaasan ng Sion, at magsisihugos na magkakasama (C)sa kabutihan ng Panginoon, sa trigo, at sa alak, at sa langis, at sa guya ng kawan at ng bakahan: at ang kanilang kaluluwa ay magiging (D)parang dinilig na halamanan; (E)at hindi na sila mangamamanglaw pa sa anoman.

13 Kung magkagayo'y magagalak ang dalaga sa sayawan, at ang mga binata, at ang matanda na magkakasama: sapagka't aking gagawing kagalakan ang kanilang pagluluksa, at aking aaliwin sila at aking pagagalakin sila sa kanilang kapanglawan.

Read full chapter