Add parallel Print Page Options

20 Inyo ngang dinggin ang salita ng Panginoon, ninyong lahat na nasa pagkabihag, (A)na aking itinaboy sa Babilonia mula sa Jerusalem.

Ang mga bulaang propeta ay tinutulan ni Jeremias.

21 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, tungkol kay Achab na anak ni Colias, at tungkol kay Sedechias na anak ni Maasias na nanghuhula ng kasinungalingan (B)sa inyo sa aking pangalan, Narito, aking ibibigay sila sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia; at papatayin niya sila sa harap ng inyong mga mata;

22 At sa kanila kukuha ng (C)kasumpaan sa lahat ng bihag (D)sa Juda na nangasa Babilonia, na magsasabi, Gawin ka ng Panginoon na gaya ni Sedechias at gaya ni Achab, na (E)iniihaw sa apoy ng hari sa Babilonia.

Read full chapter