Jeremias 25:20
Ang Biblia (1978)
20 At ang (A)lahat ng halohalong bayan, at ang lahat ng hari (B)sa lupain ng Hus, (C)at ang lahat ng hari sa lupain ng mga Filisteo, at ang Ascalon, at ang Gaza, at ang Ecron, at ang nalabi sa Asdod;
Read full chapter
Ezekiel 25:15-16
Ang Biblia (1978)
15 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't ang mga (A)Filisteo ay gumawa ng panghihiganti, at nanghiganti na may kapootan ng loob upang magpahamak ng pakikipagkaalit na magpakailan man;
16 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, aking iuunat ang aking kamay sa mga Filisteo, at aking ihihiwalay ang mga (B)Ceretheo, at ipapahamak ko ang labi sa baybayin ng dagat.
Read full chapter
Zefanias 2:4-5
Ang Biblia (1978)
4 Sapagka't ang (A)Gaza ay pababayaan, at ang Ascalon ay sa kasiraan; kanilang palalayasin ang Asdod sa katanghaliang tapat, at ang Ecron ay mabubunot.
5 Sa aba ng mga nananahanan sa baybayin ng (B)dagat, (C)bansa ng mga Chereteo! Ang salita ng Panginoon ay laban sa iyo, Oh Canaan, na lupain ng mga Filisteo; aking gigibain ka, upang mawalan ng mga mananahan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978