Add parallel Print Page Options

20 Nguni't, Oh Panginoon ng mga hukbo, na humahatol ng matuwid, na tumatarok (A)ng puso at ng pagiisip, ipakita mo sa akin ang iyong kagantihan sa kanila; sapagka't sa iyo inihayag ko ang aking usap.

21 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga lalake ng Anathoth na (B)nagsisiusig ng iyong buhay, na nangagsasabi, Ikaw ay (C)huwag manghuhula sa pangalan ng Panginoon, (D)upang huwag kang mamatay sa aming kamay;

22 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, aking parurusahan sila: ang mga binata ay mamamatay sa pamamagitan ng tabak; ang kanilang mga anak na lalake at babae ay mangamamatay dahil sa gutom;

Read full chapter