Add parallel Print Page Options

Ang salita ng Panginoon tungkol sa Edom.

(A)Tungkol sa Edom. Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: (B)Wala na baga ang karunungan sa Teman? nawala baga ang payo sa mabait? nawala baga ang kanilang karunungan?

Magsitakas kayo, magsibalik kayo, kayo'y magsitahan sa kalaliman, Oh mga nananahan sa (C)Dedan; sapagka't aking dadalhin ang kapahamakan ng Esau sa kaniya, sa panahon na aking dadalawin siya.

Read full chapter

12 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't ang (A)Edom ay gumawa ng laban sa sangbahayan ni Juda sa panghihiganti, at nagalit na mainam, at nanghiganti sa kanila;

13 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Aking iuunat ang aking kamay laban sa Edom, at aking ihihiwalay ang tao at hayop doon; at aking gagawing sira (B)mula sa Teman; hanggang sa (C)Dedan nga ay mabubuwal sila sa pamamagitan ng tabak.

14 At (D)aking isasagawa ang aking panghihiganti sa Edom, sa pamamagitan ng kamay ng aking bayang Israel; at kanilang gagawin sa Edom ang ayon sa aking galit, at ayon sa aking kapusukan; at kanilang malalaman ang aking panghihiganti, sabi ng Panginoong Dios.

Read full chapter

Ang pagmamataas ng Edom ay pabababain.

Ang pangitain ni Obadias.

Ganito ang sabi ng Panginoong Dios (A)tungkol sa Edom, Kami ay (B)nakarinig ng mga balita na mula sa Panginoon, at isang sugo ay sinugo sa mga bansa, na nagsasabi, Magsibangon kayo, at tayo'y mangagtindig laban sa kaniya sa pakikipagbaka.

Narito, ginawa kitang maliit sa mga bansa: ikaw ay lubhang hinamak.

Dinaya ka ng kapalaluan ng iyong puso, Oh ikaw na tumatahan sa mga bitak ng bato, na ang tahanan ay matayog; na nagsasabi sa kaniyang puso, Sinong magbababa sa akin sa lupa?

Bagaman ikaw ay pailanglang sa itaas na parang aguila, at (C)bagaman ang iyong pugad ay malagay sa gitna ng mga bituin, aking ibababa ka mula roon, sabi ng Panginoon.

Kung ang mga magnanakaw ay nagsiparoon sa iyo, (D)kung mga mangloloob sa gabi (paano kang nahiwalay!) di baga sila sana'y nangagnakaw hanggang sa sila'y nangagkaroon ng sapat? kung mga mamimitas ng ubas ay nagsiparoon sa iyo, (E)di baga sila sana'y nangagiwan ng laglag na ubas?

Paano nasiyasat ang mga bagay ng Esau! paano nasumpungan ang kaniyang mga kayamanang natago!

Lahat na lalake na iyong kaalam ay dinala ka sa iyong lakad, hanggang sa hangganan: ang mga lalake na nangasa kapayapaan sa iyo ay dinaya ka, at nanaig laban sa iyo; silang nagsisikain ng iyong tinapay ay naglagay ng silo sa ilalim mo: (F)walang paguunawa sa kaniya.

Di ko baga lilipulin (G)sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, ang mga pantas na tao sa Edom, at papawiin ang unawa sa bundok ng Esau?

At ang iyong mga makapangyarihang tao, Oh (H)Teman, ay manglulupaypay, palibhasa'y bawa't isa'y mahihiwalay sa bundok ng Esau sa pamamagitan ng patayan.

10 (I)Dahil sa karahasan na ginawa (J)sa iyong kapatid na Jacob ay kahihiyan ang tatakip sa iyo, at ikaw ay mahihiwalay magpakailan man.

11 Nang araw na ikaw ay tumayo sa kabilang dako, nang araw na dalhin ng mga taga ibang bayan ang kaniyang kayamanan, at magsipasok ang mga mangingibang bayan sa kaniyang mga pintuang-bayan at (K)pagsapalaran ang Jerusalem, ikaw man ay naging gaya ng isa sa kanila.

12 Huwag ka ngang magmasid sa (L)araw ng iyong kapatid sa kaarawan ng kaniyang kasakunaan, at huwag mong ikagalak ang mga anak ni Juda sa kaarawan ng kanilang pagkabuwal; ni magsalita mang may kapalaluan sa kaarawan ng pagkahapis.

13 Huwag kang pumasok sa pintuan ng aking bayan sa kaarawan ng kanilang kasakunaan; oo, huwag mong masdan ang kanilang pagdadalamhati sa kaarawan ng kanilang kasakunaan, o pakialaman man ninyo ang kanilang kayamanan sa kaarawan ng kanilang kasakunaan.

14 At huwag kang tumayo sa mga salubungang daan na ihiwalay ang kaniya na tumatanan; at huwag mong ibigay ang kaniya na nalabi sa kaarawan ng kapanglawan.

15 (M)Sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na, laban sa lahat ng bansa: (N)kung ano ang iyong gawin, ay siyang gagawin sa iyo; (O)ang iyong gawa ay babalik sa iyong sariling ulo.

16 Sapagka't (P)kung paanong kayo'y nagsiinom sa aking banal na bundok, gayon magsisiinom na palagi ang lahat na bansa, oo, sila'y magsisiinom, at magsisitungga, at magiging wari baga sila'y hindi nangabuhay.

Ang Israel ay luluwalhatiin.

17 Nguni't sa bundok (Q)ng Sion ay doroon yaong nangakatatanan, at magiging banal; at aariin ng sangbahayan ni Jacob ang kaniyang mga pagaari.

18 At ang sangbahayan ni Jacob ay (R)magiging isang apoy, at ang sangbahayan ni Jose ay isang liyab, at ang sangbahayan ni Esau ay dayami, at sila'y kanilang susunugin, at sila'y susupukin; at walang malalabi sa sangbahayan ni Esau; sapagka't sinalita ng Panginoon.

19 At silang sa Timugan, ay (S)mangagaari ng bundok ng Esau, (T)at silang sa mababang lupa ay ng mga Filisteo; at kanilang aariin ang parang ng Ephraim, at ang parang ng Samaria; at aariin ng Benjamin ang Galaad.

20 At ang mga bihag sa hukbong ito ng mga anak ni Israel na nasa mga taga Canaan, ay magaari ng (U)hanggang sa Sarefat; at ang mga bihag sa Jerusalem na nasa Sepharad ay magaari ng mga bayan ng Timugan.

21 At ang mga (V)tagapagligtas ay magsisisampa sa (W)bundok ng Sion upang hatulan ang bundok ng Esau; at (X)ang kaharian ay magiging sa Panginoon.

Read full chapter