Add parallel Print Page Options

Ang katapusan ni Joacim.

13 (A)Sa aba niya na nagtatayo ng kaniyang bahay sa pamamagitan ng kalikuan, at ng kaniyang mga silid sa pamamagitan ng kalisyaan; na (B)pinapaglilingkod ng kaniyang kapuwa (C)na walang upa, at hindi niya binibigyan ng kaniyang kabayaran;

14 Na nagsasabi, Ako'y magtatayo ng maluwang na bahay at maluwang na mga silid, at nabubuksan ng mga dungawan; at nakikisamihan ng cedro, at nakukulayan ng pula.

15 Ikaw baga'y maghahari, sapagka't ikaw ay mayroong lalong maraming cedro? (D)hindi ba ang iyong ama ay kumain at uminom, at naglapat ng kahatulan at kaganapan? nang magkagayo'y ikinabuti niya.

16 Kaniyang hinatulan ang usap ng dukha at mapagkailangan; nang magkagayo'y ikinabuti nga. (E)Hindi baga ito ang pagkilala sa akin? sabi ng Panginoon.

17 Nguni't ang iyong mga mata at ang iyong puso ay sa kasakiman lamang, at upang magbubo ng walang salang dugo, at sa kapighatian, at sa karahasan, upang gawin.

Read full chapter