Add parallel Print Page Options

Ang Panginoon ay hindi mahahabag.

15 Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, (A)Bagaman (B)si Moises at si Samuel ay tumayo sa harap ko, gayon ma'y ang pagiisip ko ay hindi sasa bayang ito: iyong itakuwil sila sa aking paningin, at iyong palabasin sila.

At mangyayari, pagka kanilang sinabi sa iyo, Saan kami magsisilabas? sasaysayin mo nga sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, (C)Ang sa kamatayan, ay sa kamatayan; at ang sa tabak, ay sa tabak; at ang sa kagutom, ay sa kagutom; at ang sa pagkabihag, ay sa pagkabihag.

At ako'y magtatakda sa kanila ng apat na mga bagay, sabi ng Panginoon: ang tabak upang pumatay, at ang mga aso upang lumapa, at ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga hayop sa lupa, upang lumamon at lumipol.

At aking ipagugulo sila na paroo't parito sa gitna ng lahat na kaharian sa lupa, (D)dahil kay Manases, na anak ni Ezechias, na hari sa Juda, dahil sa kaniyang ginawa sa Jerusalem.

Sapagka't sinong mahahabag sa iyo, Oh Jerusalem? o sinong tataghoy sa iyo? o sinong titigil na magtatanong ng iyong kalagayan?

Iyong itinakuwil ako, sabi ng Panginoon, ikaw ay umurong: kaya't iniunat ko ang aking kamay laban sa iyo, at pinatay kita; (E)ako'y dala na ng pagsisisi.

At aking pinahanginan sila ng pamaypay sa mga pintuang-bayan ng lupain; aking niwalaan sila ng mga anak, aking nilipol ang aking bayan; sila'y hindi humiwalay sa kanilang mga lakad.

Ang kanilang mga babaing bao ay naragdagan sa akin ng higit kay sa buhangin sa mga dagat; aking dinala sa kanila laban sa ina ng mga binata ang manglilipol sa katanghaliang tapat: aking pinabagsak na bigla sa kaniya ang kahapisan at kakilabutan.

Siyang nanganak ng pito ay nanglulupaypay; siya'y nalagutan ng hininga; ang kaniyang kaarawan ay lumubog nang may araw pa; napahiya at nalito: at ang nalabi sa kanila ay ibibigay ko sa tabak sa harap ng kanilang mga kaaway, sabi ng Panginoon.

Ang pagdaing ni Jeremias at ang sagot ng Panginoon.

10 Sa aba ko, (F)ina ko, na ipinanganak mo ako na lalaking sa pakikipagpunyagi at lalaking sa pakikipaglaban sa buong lupa! ako'y hindi nagpautang na may tubo, o pinautang man ako na may patubo ng mga tao; gayon ma'y sinusumpa ako ng bawa't isa sa kanila.

11 Sinabi ng Panginoon, Katotohanang palalakasin kita sa ikabubuti; katotohanang aking pamamanhikin ang kaaway sa iyo sa panahon ng kasamaan at sa panahon ng pagdadalamhati.

12 Mababasag baga ng sinoman (G)ang bakal, ang bakal na mula sa hilagaan, at ang tanso?

13 Ang iyong pagaari at ang iyong kayamanan ay ibibigay ko na pinakasamsam na walang halaga, at iya'y dahil sa lahat mong kasalanan, sa lahat mo ngang hangganan.

14 At akin silang pararaanin na kasama ng iyong mga kaaway (H)sa lupain na hindi mo nakikilala; sapagka't ang apoy ay nagniningas sa aking galit, na magniningas sa inyo.

15 Oh Panginoon, talastas mo; iyong alalahanin ako, at dalawin mo ako, at ipanghiganti mo ako sa mga manguusig sa akin; huwag mo akong kunin sa iyong pagtitiis: talastasin mo na (I)dahil sa iyo ay nagtiis ako ng kakutyaan.

16 Ang iyong mga salita ay nangasumpungan, at aking (J)kinain; at ang iyong mga salita sa ganang akin ay katuwaan at kagalakan sa aking puso: sapagka't ako'y tinawag sa iyong pangalan, Oh Panginoong Dios ng mga hukbo.

17 (K)Hindi ako nauupo sa kapisanan nila na nasasayahan, o nagagalak man; ako'y nauupong magisa dahil sa iyong kamay; sapagka't pinuno mo ako ng pagkagalit.

18 Bakit ang aking sakit ay walang hanggan, at ang aking sugat ay walang kagamutan, na hindi mapagaling? ikaw baga'y tunay na magiging parang magdarayang batis sa akin, parang tubig na nauubos?

19 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, (L)Kung ikaw ay magbalikloob, papananauliin nga kita upang ikaw ay makatayo sa harap ko; at kung iyong ihiwalay ang may halaga sa walang halaga, ikaw ay magiging parang aking bibig: sila'y manunumbalik sa iyo, nguni't hindi ka manunumbalik sa kanila.

20 At gagawin kita sa bayang ito na (M)tansong kuta na sanggalangan; at sila'y magsisilaban sa iyo, nguni't (N)hindi sila magsisipanaig laban sa iyo; sapagka't ako'y sumasaiyo upang iligtas kita at upang papaging layain kita, sabi ng Panginoon.

21 At ililigtas kita sa kamay ng masama, at tutubusin kita sa kamay ng kakilakilabot.

'Jeremias 15 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Kapahamakan para sa mga Taga-Juda

15 Pagkatapos(A) ay sinabi ng Panginoon sa akin, “Kahit pa tumayo sina Moises at Samuel sa harapan ko, hindi babaling ang aking puso sa bayang ito. Palayasin mo sila sa aking paningin, at paalisin mo sila!

At(B) kapag tinanong ka nila, ‘Saan kami pupunta?’ sasabihin mo nga sa kanila, ‘Ganito ang sabi ng Panginoon:

“Ang mga nakatakda sa kamatayan ay sa kamatayan,
    at ang sa tabak ay sa tabak;
at ang sa taggutom, ay sa taggutom;
    at ang sa pagkabihag, ay sa pagkabihag.”’

“Ako'y magtatalaga sa kanila ng apat na bagay, sabi ng Panginoon: ang tabak upang pumatay, mga aso upang lumapa, at ang mga ibon sa himpapawid at mga hayop sa lupa upang lumamon at lumipol.

At(C) gagawin ko silang katatakutan ng lahat ng mga kaharian sa lupa dahil sa ginawa sa Jerusalem ni Manases, na anak ni Hezekias, hari ng Juda.

“Sinong mahahabag sa iyo, O Jerusalem,
    o sinong tataghoy sa iyo?
Sinong hihinto
    upang itanong ang iyong kalagayan?
Itinakuwil mo ako, sabi ng Panginoon,
    patuloy kang umuurong;
kaya't iniunat ko ang aking kamay laban sa iyo, at pinuksa kita;
    pagod na ako sa pagiging mahabagin.
Tinahipan ko sila ng pantahip
    sa mga pintuang-bayan ng lupain;
pinangulila ko sila, nilipol ko ang aking bayan;
    sila'y hindi humiwalay sa kanilang mga lakad.
Pinarami ko ang kanilang mga babaing balo
    nang higit kaysa buhangin sa karagatan.
Dinala ko laban sa mga ina ng mga binata
    ang manglilipol sa katanghaliang-tapat;
bigla kong pinarating sa kanila
    ang dalamhati at sindak.
Siyang nanganak ng pito ay nanghihina;
    siya'y nalagutan ng hininga;
ang kanyang araw ay lumubog samantalang may araw pa;
    siya'y napahiya at napariwara.
At ang nalabi sa kanila ay ibibigay ko sa tabak
    sa harapan ng kanilang mga kaaway, sabi ng Panginoon.”

Dumaing si Jeremias sa Panginoon

10 Kahabag-habag ako, ina ko, na ipinanganak mo ako, isang taong palaaway at taong palaban sa buong lupain! Ako'y hindi nagpautang na may patubo o pinautang man na may patubo, gayunma'y sinusumpa nila akong lahat.

11 Sinabi ng Panginoon, Tunay na namagitan ako sa iyong buhay sa ikabubuti, tunay na nakiusap ako sa iyo para sa kaaway sa panahon ng kasamaan at sa panahon ng kagipitan!

12 Mababasag ba ng sinuman ang bakal, ang bakal na mula sa hilaga, at ang tanso?

13 “Ang iyong kayamanan at ang iyong ari-arian ay ibibigay ko bilang samsam, na walang bayad, dahil sa lahat mong kasalanan, sa lahat mong nasasakupan.

14 Pararaanin kita kasama ng iyong mga kaaway sa lupaing hindi mo nakikilala; sapagkat sa aking galit ay isang apoy ang nagniningas na magliliyab magpakailanman.”

15 O Panginoon, nalalaman mo;
    alalahanin mo ako, at dalawin mo ako,
    at ipaghiganti mo ako sa mga umuusig sa akin.
Ayon sa iyong pagiging matiisin ay huwag mo akong kunin,
    alamin mo na alang-alang sa iyo ay nagtitiis ako ng pagkutya.
16 Ang iyong mga salita ay natagpuan, at aking kinain;
    at sa ganang akin ang iyong mga salita ay katuwaan
    at kagalakan ng aking puso,
sapagkat ako'y tinatawag sa iyong pangalan, O Panginoon, Diyos ng mga hukbo.
17 Hindi ako umupo sa kapulungan ng mga nagsasaya,
    ni nagalak man ako;
ako'y naupong mag-isa sapagkat ang iyong kamay ay nakapatong sa akin,
    sapagkat pinuno mo ako ng galit.
18 Bakit hindi tumitigil ang aking kirot,
    at ang aking sugat ay walang lunas,
    at ayaw mapagaling?
Ikaw ba'y magiging parang mandarayang batis sa akin,
    parang tubig na nauubos?

19 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon:
“Kung ikaw ay magbabalik-loob, tatanggapin kitang muli,
    at ikaw ay tatayo sa harapan ko.
Kung bibigkasin mo ang mahalaga at hindi ang walang katuturan,
    ikaw ay magiging parang aking bibig.
Sila'y manunumbalik sa iyo,
    ngunit hindi ka manunumbalik sa kanila.
20 At gagawin kita para sa bayang ito
    na pinatibay na pader na tanso;
lalaban sila sa iyo,
    ngunit hindi sila magtatagumpay laban sa iyo;
sapagkat ako'y kasama mo
    upang iligtas kita at sagipin kita, sabi ng Panginoon.
21 At ililigtas kita mula sa kamay ng masama,
    at tutubusin kita mula sa kamay ng mga walang awa.”