Add parallel Print Page Options

18 Nguni't kayo'y mangatuwa at mangagalak magpakailan man sa aking nilikha; sapagka't, narito, aking (A)nililikha na kagalakan ang Jerusalem, at kaligayahan ang kaniyang bayan.

19 (B)At ako'y magagalak sa Jerusalem, at maliligaya sa aking bayan; at (C)ang tinig ng iyak ay hindi na maririnig pa sa kaniya, o ang tinig man ng daing.

20 Hindi na magkakaroon mula ngayon ng sanggol na mamamatay, o ng matanda man na hindi nalubos ang kaniyang mga kaarawan; sapagka't (D)ang bata ay mamamatay na may isang daang taong gulang, (E)at ang makasalanan na may isang daang taon ang gulang ay susumpain.

Read full chapter