Add parallel Print Page Options

10 At ang Saron ay (A)magiging kulungan ng mga kawan, at (B)ang libis ng Achor ay dakong higaan ng mga bakahan, dahil sa aking bayan na humanap sa akin.

11 Nguni't kayo, na nangagpapabaya sa Panginoon, na nagsisilimot ng (C)aking banal na bundok, na nangaghahanda ng dulang (D)para sa Kapalaran, at pinupuno (E)ang saro ng alak na haluan para sa Kaukulan;

12 Aking iuukol kayo sa tabak, at kayong lahat ay magsisiyuko sa patayan; (F)sapagka't nang ako'y tumawag, kayo'y hindi nagsisagot; nang ako'y magsalita, kayo'y hindi nangakinig; kundi inyong ginawa ang masama sa harap ng aking mga mata, at inyong pinili ang di ko kinaluluguran.

Read full chapter