Add parallel Print Page Options

Ikaw naman ay magiging (A)putong ng kagandahan sa kamay ng Panginoon, at diademang hari sa kamay ng iyong Dios.

(B)Hindi ka na tatawagin pang (C)Pinabayaan; hindi na rin tatawagin pa ang iyong lupain na Giba: kundi ikaw ay tatawaging Hephzi-bah, at ang iyong lupain ay Beulah: sapagka't ang Panginoon ay nalulugod sa iyo, at ang iyong lupain ay tatangkilikin.

Sapagka't kung paanong ang binata ay nakikipagtipan sa dalaga, gayon nakikipagtipan ang iyong mga anak na lalake sa iyo; at kung paanong ang kasintahang lalake ay nagagalak sa kasintahang babae, gayon (D)magagalak ang Dios sa iyo.

Read full chapter