Font Size
Isaias 60:5-7
Ang Biblia (1978)
Isaias 60:5-7
Ang Biblia (1978)
5 Kung magkagayon ikaw ay makakakita at maliliwanagan ka, at ang iyong puso ay titibok at lalaki; sapagka't (A)ang kasaganaan ng dagat ay mababalik sa iyo, ang kayamanan ng mga bansa ay darating sa iyo.
6 Tatakpan ka ng karamihan ng kamelyo, ng mga dromedario sa Madian at sa (B)Epha; magsisipanggaling na lahat mula sa Seba: mangagdadala ng (C)ginto at kamangyan, at magtatanyag ng mga kapurihan ng Panginoon.
7 Lahat ng kawan sa (D)Cedar ay mapipisan sa iyo, ang mga lalaking tupa sa Nebayoth ay mangahahain sa akin: sila'y kalugodlugod, na (E)tatanggapin sa aking dambana, at aking luluwalhatiin ang bahay ng aking kaluwalhatian.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978