Add parallel Print Page Options

At nagsisigawang isa't isa, at nagsasabi, (A)Banal, banal, banal ang Panginoon ng mga hukbo: ang buong lupa ay napuno ng kaniyang kaluwalhatian.

At ang mga patibayan ng mga pintuan ay nakilos sa tinig ng sumisigaw, at (B)ang bahay ay napuno ng usok.

(C)Nang magkagayo'y sinabi ko, Sa aba ko! sapagka't ako'y napahamak; sapagka't ako'y lalaking may maruming mga labi, at ako'y tumatahan sa gitna ng bayan na may maruming mga labi: sapagka't (D)nakita ng aking mga mata ang Hari, ang Panginoon ng mga hukbo.

Read full chapter