Add parallel Print Page Options

Ang katuwiran ko ay (A)malapit, ang aking pagliligtas ay lumabas, (B)at hahatol ang aking mga bisig sa mga bayan; ang mga pulo ay magsisipaghintay (C)sa akin, at sa aking bisig ay magsisitiwala sila.

(D)Itingin ninyo ang inyong mga mata sa mga langit, at magsitungo kayo sa lupa sa ibaba; sapagka't (E)ang mga langit ay mapapawing parang usok, at (F)ang lupa ay malulumang parang bihisan; at silang nagsisitahan doon ay mangamamatay ng gayon ding paraan: nguni't ang pagliligtas ko ay magpakailan man, at ang aking katuwiran ay hindi mawawakasan.

Inyong pakinggan ako, ninyong nakakaalam ng katuwiran, bayan na ang puso ay kinaroonan ng aking kautusan; (G)huwag ninyong katakutan ang pula ng mga tao, o manglupaypay man kayo sa kanilang mga paglait.

Read full chapter