Add parallel Print Page Options

15 Ako, ako nga'y nagsalita; oo, aking tinawag siya; (A)aking dinala siya; at kaniyang pagiginhawahin ang kaniyang lakad.

16 Kayo'y magsilapit sa akin, inyong dinggin ito; mula sa pasimula ay (B)hindi ako nagsalita ng lihim; mula nang panahon na nangyari ito, nandoon nga ako: at ngayo'y sinugo ako (C)ng Panginoong Dios, at nang kaniyang Espiritu.

17 Ganito ang sabi ng (D)Panginoon, ng inyong Manunubos, ng Banal ng Israel, Ako ang Panginoon mong Dios, na nagtuturo sa iyo ng mapapakinabangan, na pumapatnubay sa iyo sa daan na iyong marapat na lakaran.

Read full chapter