Isaias 29:8-10
Ang Biblia (1978)
8 At (A)mangyayari, na gaya ng kung ang isang gutom ay nananaginip, at, narito, siya'y kumakain; nguni't siya'y nagigising, at ang kaniyang kaluluwa ay walang anoman: o gaya ng kung ang isang uhaw ay nananaginip, at, narito, siya'y umiinom; nguni't siya'y nagigising, at, narito, siya'y malata, at ang kaniyang kaluluwa ay uhaw: gayon ang mangyayari sa karamihan ng lahat na bansa, na nagsisilaban sa bundok ng Sion.
9 Kayo'y mangatigilan at manganggilalas; kayo'y mangalugod at mangabulag: (B)sila'y lango, (C)nguni't hindi sa alak; sila'y gumigiray, nguni't hindi sa matapang na alak.
10 Sapagka't inihulog ng (D)Panginoon sa inyo ang diwa ng mahimbing na pagkakatulog, at (E)ipinikit ang inyong mga mata, na mga propeta; at ang iyong mga pangulo, na mga tagakita, ay kaniyang tinakpan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978