Add parallel Print Page Options

19 Ang iyong mga patay ay mangabubuhay; ang aking patay na katawan ay babangon. (A)Magsigising at magsiawit, kayong nagsisitahan sa alabok: sapagka't ang iyong hamog ay gaya ng hamog ng mga damo, at iluluwa ng lupa ang mga patay.

20 Ikaw ay parito, bayan ko, (B)pumasok ka sa iyong mga silid, at isara mo ang iyong mga pintuan sa palibot mo: magkubli kang sangdali, hanggang sa ang galit ay makalampas;

21 Sapagka't, narito, ang Panginoon ay lumalabas (C)mula sa kaniyang dako upang parusahan ang mga nananahan sa lupa dahil sa kanilang kasamaan: ililitaw naman ng lupa ang kaniyang dugo, at hindi na tatakpan ang kaniyang nangapatay.

Read full chapter