Isaias 21:9
Ang Biblia, 2001
9 Tingnan(A) mo, dumarating ang mga mangangabayo,
mga mangangabayong dala-dalawa!”
At siya'y sumagot at nagsabi,
“Bumagsak, bumagsak ang Babilonia;
at lahat na larawang inanyuan ng kanyang mga diyos
ay nagkadurug-durog sa lupa.”
Jeremias 51:8
Ang Biblia, 2001
8 Ang Babilonia ay biglang nabuwal at nadurog;
tangisan ninyo siya!
Dalhan ninyo siya ng balsamo para sa kanyang sakit,
baka sakaling siya'y gumaling.
Apocalipsis 14:8
Ang Biblia, 2001
8 At(A) isa pang anghel, ang pangalawa, ay sumunod na nagsasabi, “Bumagsak, bumagsak ang dakilang Babilonia, na siyang nagpainom sa lahat ng bansa ng alak ng poot ng kanyang pakikiapid.”
Read full chapter
Isaias 13:21
Ang Biblia, 2001
21 Kundi(A) maiilap na hayop sa ilang ang magsisihiga roon,
at ang kanilang mga bahay ay mapupuno ng mga hayop na nagsisiungal;
at mga avestruz ay maninirahan doon,
at ang mga demonyong kambing ay magsasayaw doon.
Jeremias 50:39
Ang Biblia, 2001
39 “Kaya't(A) ang mababangis na hayop ay maninirahan doon na kasama ng mga asong-gubat, at ang avestruz ay maninirahan sa kanya; hindi na ito titirahan ng mga tao kailanpaman; ni matatahanan sa lahat ng mga salinlahi.
Read full chapter