Add parallel Print Page Options

Ang hula sa Moab.

15 (A)Ang hula tungkol sa (B)Moab. (C)Sapagka't sa isang gabi ang Ar ng Moab ay nagiba, at nawalan ng kabuluhan; sapagka't sa isang gabi ay nagiba ang Kir ng Moab, at nawalan ng kabuluhan.

Siya'y umahon sa Bayith, at sa (D)Dibon, sa mga mataas na dako, upang umiyak: ang Moab ay umaangal sa (E)Nebo, at sa (F)Medeba: (G)lahat nilang ulo ay kalbo, bawa't balbas ay gupit.

Sa kanilang mga lansangan ay nangagbibigkis sila ng kayong magaspang: sa kanilang mga bubungan, at sa kanilang mga luwal na dako, umaangal ang bawa't isa, na umiiyak ng di kawasa.

Read full chapter