Isaias 65:8
Ang Biblia (1978)
8 Ganito ang sabi ng Panginoon, Kung paanong nasusumpungan ang bagong alak sa kumpol, at may nagsasabi, Huwag mong sirain, (A)sapagka't iyan ay mapapakinabangan: gayon ang gagawin ko sa ikagagaling ng aking mga lingkod, upang huwag kong malipol silang lahat.
Read full chapter
Hagai 2:19
Ang Biblia (1978)
19 May binhi pa baga sa kamalig? oo, ang puno ng ubas, at ang puno ng igos, at ang granada, at ang puno ng olibo ay hindi nagbunga; mula sa araw na ito ay pagpapalain ko kayo.
Read full chapter
Malakias 3:10
Ang Biblia (1978)
10 Dalhin ninyo ang buong ikasangpung bahagi sa kamalig, upang magkaroon ng (A)pagkain sa aking bahay, at (B)subukin ninyo ako ngayon sa bagay na ito, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga dungawan sa langit, at ihuhulog ko sa inyo ang isang pagpapala, na walang sapat na silid na kalalagyan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978