Add parallel Print Page Options

Ang kaluwalhatian ng Sion at ang kaniyang bagong pangalan.

62 Dahil sa Sion ay hindi ako tatahimik, at dahil sa Jerusalem ay hindi ako magpapahinga, hanggang sa ang (A)kaniyang katuwiran ay lumitaw na parang ningning, at ang kaniyang kaligtasan ay parang ilawan na nagniningas.

(B)At makikita ng mga bansa ang iyong katuwiran, at (C)ng lahat na hari ang inyong kaluwalhatian; (D)at ikaw ay tatawagin sa bagong pangalan, na ipangangalan ng bibig ng Panginoon.

Ikaw naman ay magiging (E)putong ng kagandahan sa kamay ng Panginoon, at diademang hari sa kamay ng iyong Dios.

(F)Hindi ka na tatawagin pang (G)Pinabayaan; hindi na rin tatawagin pa ang iyong lupain na Giba: kundi ikaw ay tatawaging Hephzi-bah, at ang iyong lupain ay Beulah: sapagka't ang Panginoon ay nalulugod sa iyo, at ang iyong lupain ay tatangkilikin.

Sapagka't kung paanong ang binata ay nakikipagtipan sa dalaga, gayon nakikipagtipan ang iyong mga anak na lalake sa iyo; at kung paanong ang kasintahang lalake ay nagagalak sa kasintahang babae, gayon (H)magagalak ang Dios sa iyo.

(I)Ako'y naglagay ng mga bantay sa iyong mga kuta, Oh Jerusalem; sila'y hindi magsisitahimik kailan man sa araw o sa gabi: kayong mga mapagalaala sa Panginoon, huwag kayong mangagpahinga,

At huwag ninyong bigyan siya ng kapahingahan, hanggang sa siya'y matatag, at hanggang sa kaniyang gawing kapurihan[a] sa lupa ang Jerusalem.

Ang Panginoon ay sumumpa ng kaniyang kanang kamay, at ng bisig ng kaniyang kalakasan, Tunay na hindi na ako magbibigay[b] ng iyong trigo na pinakapagkain sa iyong mga kaaway; at ang mga taga ibang lupa ay hindi magsisiinom ng iyong alak, na iyong pinagpagalan.

Kundi silang nangagimbak niyaon ay magsisikain niyaon, at magsisipuri sa Panginoon; at silang nangagtipon niyaon ay magsisiinom niyaon (J)sa mga looban ng aking santuario.

10 Kayo'y magsidaan, kayo'y magsidaan sa mga pintuang-bayan; (K)inyong ihanda ang lansangan ng bayan; inyong patagin; inyong patagin ang maluwang na lansangan; inyong pulutin ang mga bato; (L)mangagtaas kayo ng watawat na ukol sa mga bayan.

11 Narito, ang Panginoon ay nagtanyag hanggang sa wakas ng lupa, (M)Inyong sabihin sa anak na babae ng Sion, (N)Narito, ang iyong kaligtasan ay dumarating; narito, ang (O)kaniyang kagantihan ay nasa kaniya, at ang kaniyang ganti ay nasa harap niya.

12 At tatawagin nila sila (P)Ang banal na bayan, (Q)Ang tinubos ng Panginoon: at ikaw ay tatawagin Hinanap, Bayang (R)hindi pinabayaan.

Footnotes

  1. Isaias 62:7 Is. 61:11. Zef. 3:20.
  2. Isaias 62:8 Deut. 28:31, 33.
'Isaias 62 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

62 Alang-alang sa Zion ay hindi ako tatahimik,
    at alang-alang sa Jerusalem ay hindi ako magpapahinga,
hanggang sa ang kanyang katuwiran ay lumitaw na parang ningning,
    at ang kanyang kaligtasan na gaya ng sulong nagniningas.
At makikita ng mga bansa ang iyong katuwiran,
    at ng lahat na hari ang iyong kaluwalhatian;
at ikaw ay tatawagin sa bagong pangalan
    na ipapangalan ng bibig ng Panginoon.
Ikaw naman ay magiging korona ng kagandahan sa kamay ng Panginoon,
    at koronang hari sa kamay ng iyong Diyos.
Hindi ka na tatawagin pang ‘Pinabayaan’;[a]
    hindi na rin tatawagin pa ang iyong lupain na ‘Giba’;[b]
kundi ikaw ay tatawaging ‘Ang Aking Katuwaan Ay Nasa Kanya’,[c]
    at ang iyong lupain ay tatawaging ‘May Asawa’,[d]
sapagkat ang Panginoon ay nalulugod sa iyo,
    at ang iyong lupain ay magiging may asawa.
Sapagkat kung paanong ang binata ay ikinakasal sa dalaga,
    gayon ikakasal ka sa iyong mga anak na lalaki,
at kung paanong ang lalaking ikakasal ay nagagalak sa babaing ikakasal,
    gayon magagalak ang Diyos sa iyo.

Ako'y naglagay ng mga bantay sa iyong mga pader, O Jerusalem;
    sila'y hindi tatahimik kailanman sa araw o sa gabi.
Kayong mga umaalala sa Panginoon,
    huwag kayong magpahinga,
at huwag ninyo siyang bigyan ng kapahingahan,
    hanggang sa maitatag niya
    at gawing kapurihan ang Jerusalem sa daigdig.
Ang Panginoon ay sumumpa ng kanyang kanang kamay,
    at ng bisig ng kanyang kalakasan:
“Hindi ko na muling ibibigay ang iyong trigo
    upang maging pagkain ng mga kaaway mo,
at ang mga dayuhan ay hindi iinom ng alak
    na pinagpagalan mo.
Kundi silang nag-imbak niyon ay kakain niyon,
    at magpupuri sa Panginoon,
at silang nagtipon niyon ay iinom niyon
    sa mga looban ng aking santuwaryo.”

10 Kayo'y dumaan, kayo'y dumaan sa mga pintuan,
    inyong ihanda ang lansangan para sa bayan;
inyong itayo, inyong gawin ang maluwang na lansangan,
    inyong alisin ang mga bato;
    sa ibabaw ng mga bayan ang watawat ay itaas ninyo.
11 Narito,(A) ipinahayag ng Panginoon
    hanggang sa dulo ng lupa:
Inyong sabihin sa anak na babae ng Zion,
    “Narito, ang iyong kaligtasan ay dumarating;
ang kanyang gantimpala ay nasa kanya,
    at ang kanyang ganti ay nasa harapan niya.”
12 At sila'y tatawaging “Ang banal na bayan,
    Ang tinubos ng Panginoon”;
at ikaw ay tatawaging “Hinanap,
    Lunsod na hindi pinabayaan.”

Footnotes

  1. Isaias 62:4 Sa Hebreo ay Azubah .
  2. Isaias 62:4 Sa Hebreo ay Shemamah .
  3. Isaias 62:4 Sa Hebreo ay Hefziba .
  4. Isaias 62:4 Sa Hebreo ay Beulah .