Isaias 62:1
Ang Biblia (1978)
Ang kaluwalhatian ng Sion at ang kaniyang bagong pangalan.
62 Dahil sa Sion ay hindi ako tatahimik, at dahil sa Jerusalem ay hindi ako magpapahinga, hanggang sa ang (A)kaniyang katuwiran ay lumitaw na parang ningning, at ang kaniyang kaligtasan ay parang ilawan na nagniningas.
Read full chapter
Mateo 5:14
Ang Biblia (1978)
14 Kayo ang ilaw (A)ng sanglibutan. Ang isang bayan na natatayo sa ibabaw ng isang bundok ay hindi maitatago.
Read full chapter
Mateo 5:14
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
14 Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Hindi maikukubli ang isang lungsod na itinayo sa ibabaw ng isang burol.
Read full chapter
Filipos 2:15
Ang Biblia (1978)
15 Upang kayo'y maging walang sala at walang malay, (A)mga anak ng Dios na walang dungis (B)sa gitna ng isang lahing (C)liko at masama, na sa gitna nila'y lumiliwanag kayong (D)tulad sa mga ilaw sa sanglibutan,
Read full chapter
Filipos 2:15
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
15 upang (A) kayo'y maging mga walang kapintasan at dalisay na mga anak ng Diyos. Hindi kayo dapat maparatangan ng anuman sa pamumuhay ninyo sa gitna ng isang salinlahing baluktot at masama. Magningning kayong tulad ng mga tanglaw sa sanlibutan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.