Add parallel Print Page Options

Laganap na Kasamaan

59 Narito, ang kamay ng Panginoon ay hindi maikli na di makapagligtas;
    ni hindi mahina ang kanyang pandinig, na ito'y di makarinig.
Ngunit pinaghiwalay ng inyong mga kasamaan kayo at ang inyong Diyos,
    at ang inyong mga kasalanan ay siyang nagkubli ng kanyang mukha sa inyo,
    anupa't siya'y hindi nakikinig.
Sapagkat ang inyong mga kamay ay nadungisan ng dugo,
    at ang inyong mga daliri ng kasamaan;
ang inyong mga labi ay nagsalita ng mga kasinungalingan,
    ang inyong dila ay nagsasalita ng kasamaan.
Walang nagdadala ng usapin na may katarungan,
    at nagtutungo sa batas na may katapatan;
sila'y nagtitiwala sa kalituhan, sila'y nagsasalita ng mga kasinungalingan;
    sila'y naglilihi ng kalikuan, at nanganganak ng kasamaan.
Sila'y pumipisa ng mga itlog ng ahas,
    at gumagawa ng bahay ng gagamba;
ang kumakain ng kanilang itlog ay namamatay,
    at ang napipisa ay nilalabasan ng ulupong.
Ang kanilang mga bahay ng gagamba ay hindi magiging mga kasuotan,
    hindi nila matatakpan ang kanilang sarili ng kanilang mga ginawa.
Ang kanilang mga gawa ay mga gawa ng kasamaan,
    at ang mararahas na gawa ay nasa kanilang mga kamay.
Ang(A) kanilang mga paa ay tumatakbo sa kasamaan,
    at sila'y nagmamadaling nagpapadanak ng dugong walang kasalanan,
ang kanilang mga pag-iisip ay mga pag-iisip ng kasamaan,
    pagwasak at paggiba ang nasa kanilang mga daan.
Ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nalalaman,
    sa kanilang mga lakad ay walang katarungan,
ginawa nilang liku-liko ang kanilang mga daan,
    sinumang lumalakad doon ay hindi nakakaalam ng kapayapaan.

Inamin ng mga Tao ang Kanilang Kasalanan

Kaya't malayo sa amin ang katarungan,
    at hindi umaabot sa amin ang katuwiran,
kami'y naghahanap ng liwanag, ngunit, narito ang kadiliman;
    at ng kaliwanagan, ngunit naglalakad kami sa kadiliman.
10 Kami'y nangangapa sa bakod na parang bulag,
    oo, kami'y nangangapa na gaya nila na walang mga mata,
kami'y natitisod sa katanghaliang-tapat na gaya sa gabi,
    sa gitna ng malalakas, kami'y parang mga patay.
11 Kaming lahat ay umuungol na parang mga oso,
    kami'y dumaraing nang may kalungkutan parang mga kalapati,
kami'y naghahanap ng katarungan, ngunit wala;
    ng kaligtasan, ngunit iyon ay malayo sa amin.
12 Sapagkat ang aming mga pagsuway ay dumami sa harapan mo,
    at ang aming mga kasalanan ay nagpapatotoo laban sa amin,
sapagkat ang aming mga pagsuway ay kasama namin,
    at ang sa aming mga kasamaan ay nalalaman namin;
13 na sinusuway at itinatatwa ang Panginoon,
    at lumalayo sa pagsunod sa aming Diyos,
na nagsasalita ng pang-aapi at paghihimagsik,
    na nagbabalak at nagsasalita mula sa puso ng mga salitang kasinungalingan.
14 Ang katarungan ay tumatalikod,
    at ang katuwiran ay tumatayo sa malayo;
sapagkat ang katotohanan ay nahulog sa lansangan,
    at hindi makapasok ang katuwiran.
15 Nagkukulang sa katotohanan,
    at ang humihiwalay sa kasamaan ay ginagawang biktima ang kanyang sarili.

Ito'y nakita ng Panginoon,
    at ikinasama ng kanyang loob na walang katarungan.
16 Kanyang(B) nakita na walang tao,
    at namangha na walang sinumang mamamagitan;
kaya't ang kanyang sariling bisig ay nagdala ng tagumpay sa kanya,
    at ang kanyang katuwiran ay umalalay sa kanya.
17 At(C) bilang baluti ay nagsuot siya ng katuwiran,
    at sa kanyang ulo ay helmet ng kaligtasan;
siya'y nagdamit ng mga bihisan ng paghihiganti bilang kasuotan,
    at bilang balabal ang sarili ay binalutan ng sikap.
18 Ayon sa kanilang mga gawa, ay gayon niya gagantihin,
    poot sa kanyang mga kalaban, ganti sa kanyang mga kaaway;
    sa mga pulo ay ganti ang kanyang ipapataw.
19 Sa gayo'y katatakutan nila ang pangalan ng Panginoon mula sa kanluran,
    at ang kanyang kaluwalhatian ay mula sa sikatan ng araw,
sapagkat siya'y darating na parang bugso ng tubig
    na itinataboy ng hininga ng Panginoon.

20 “Ang(D) isang Manunubos ay darating sa Zion,
    at sa kanila sa Jacob na humihiwalay sa pagsuway, sabi ng Panginoon.

21 “At tungkol sa akin, ito ang aking tipan sa kanila, sabi ng Panginoon: ang aking Espiritu na nasa iyo at ang aking mga salita na inilagay ko sa iyong bibig, ay hindi hihiwalay sa iyong bibig, o sa bibig man ng iyong lahi, o sa bibig man ng angkan ng iyong lahi, sabi ng Panginoon, mula ngayon at magpakailanpaman.”

'Isaias 59 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang pagtatapat ng kahinaan ng bansa.

59 Narito, ang kamay ng Panginoon (A)ay hindi umiksi, na di makapagligtas; ni hindi man mahina ang kaniyang pakinig, na di makarinig.

(B)Kundi pinapaghiwalay ng inyong mga kasamaan kayo at ang inyong Dios, at ang inyong mga kasalanan ay siyang nagpakubli ng kaniyang mukha sa inyo, upang siya'y huwag makinig.

Sapagka't ang (C)inyong mga kamay ay nadumhan ng dugo, at ang inyong mga daliri ng kasamaan; ang inyong mga labi ay nangagsalita ng mga kasinungalingan, ang inyong dila ay nagsasalita ng kasamaan.

Walang dumadaing ng katuwiran (D)at walang nanananggalang ng katotohanan: sila'y nagsisitiwala sa walang kabuluhan, at nangagsasalita ng mga kasinungalingan; (E)sila'y nangaglilihi ng kalikuan, at nanganganak ng kasamaan.

Sila'y pumipisa ng mga itlog ng ahas, at gumagawa ng bahay gagamba: ang kumakain ng kanilang itlog ay namamatay; at ang napipisa ay nilalabasan ng ulupong.

Ang kanilang mga bahay gagamba ay hindi magiging mga kasuutan, o magsusuot man sila ng kanilang mga gawa: ang kanilang mga gawa ay mga gawa ng kasamaan, at ang kilos ng karahasan ay nasa kanilang mga kamay.

Tinatakbo ng kanilang mga paa ang kasamaan, (F)at sila'y nangagmamadaling magbubo ng walang salang dugo: ang kanilang mga pagiisip ay mga pagiisip ng kasamaan; kawasakan at kagibaan ay nasa kanilang mga landas.

Ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nalalaman: at walang kahatulan sa kanilang mga lakad: (G)sila'y nagsigawa para sa kanila ng mga likong landas; sinomang lumalakad doon ay hindi nakakaalam ng kapayapaan.

Kaya't ang kahatulan ay malayo sa amin, o umaabot man sa amin ang katuwiran: (H)kami'y nagsisihanap ng liwanag, nguni't narito, kadiliman; ng kaliwanagan, nguni't nagsisilakad kami sa kadiliman.

10 Kami'y nagsisikapa sa bakod na (I)parang bulag, oo, kami'y nagsisikapa na gaya nila na walang mga mata: kami'y nangatitisod sa katanghaliang tapat na gaya sa gabi; sa gitna ng mga malakas, kami'y parang mga patay.

11 Kaming lahat ay nagsisiungol na parang mga oso, at (J)lubhang dumadaing na parang mga kalapati: kami'y nagsisihanap ng kahatulan, nguni't wala; ng kaligtasan, nguni't malayo sa amin.

12 Sapagka't ang aming mga pagsalangsang ay dumami sa harap mo, at ang aming mga kasalanan ay nagpapatotoo laban sa amin; sapagka't ang aming mga pagsalangsang ay sumasaamin, at tungkol sa aming mga kasamaan ay nababatid namin.

13 Pagsalangsang at pagsisinungaling sa Panginoon at sa pagtigil ng pagsunod sa aming Dios, sa pagsasalita ng pagpighati at panghihimagsik, sa pagaakala at (K)paghango sa puso ng mga salitang kasinungalingan.

14 At ang kahatulan ay tumatalikod, at ang katuwiran ay tumatayo sa malayo; sapagka't ang katotohanan ay nahulog sa lansangan, at ang karampatan ay hindi makapasok.

Ang paghihiganti at pagliligtas ng Panginoon.

15 Oo, ang katotohanan ay nagkukulang, at siyang humihiwalay sa kasamaan ay nagiging sa kaniyang sarili na huli. At nakita ng Panginoon, at isinama ng kaniyang loob na walang kahatulan.

16 (L)At kaniyang nakita na walang tao, at namangha na walang tagapamagitan: kaya't ang kaniyang sariling bisig ay nagdala ng kaligtasan sa kaniya; at ang kaniyang katuwiran ay umalalay sa kaniya.

17 At siya'y nagsuot ng katuwiran na (M)wari sapyaw, at ng turbante ng kaligtasan sa kaniyang (N)ulo at siya'y nagsuot ng mga bihisan ng panghihiganti na pinakadamit, at nagbihis ng sikap na wari balabal.

18 Ayon sa kanilang mga gawa, ay gayon (O)niya gagantihin, pusok ng loob sa kaniyang mga kaaway, kagantihan sa kaniyang mga kaalit; sa mga (P)pulo ay gaganti siya ng kagantihan.

19 Sa gayo'y (Q)katatakutan nila ang pangalan ng Panginoon mula sa kalunuran, at ang kaniyang kaluwalhatian ay mula sa sikatan ng araw sapagka't siya'y darating na (R)parang bugso ng tubig na pinayaon ng hinga ng Panginoon.

20 At isang Manunubos ay (S)paroroon sa Sion, at sa kanila, na nangaghihiwalay sa Jacob ng pagsalangsang, sabi ng Panginoon.

21 At tungkol sa akin, (T)ito ang aking tipan sa kanila, sabi ng Panginoon: ang aking Espiritu na nasa iyo, at ang (U)aking mga salita na inilagay ko sa iyong bibig, hindi hihiwalay sa iyong bibig, o sa bibig man ng iyong lahi, o sa bibig man ng angkan ng iyong lahi, sabi ng Panginoon, mula ngayon at magpakailan pa man.