Add parallel Print Page Options

Nguni't siya'y nasugatan (A)dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa (B)ating kapayapaan ay nasa kaniya; (C)at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo.

(D)Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa't isa sa kaniyang sariling daan; at ipinasan (E)sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat.

Read full chapter

10 Gayon ma'y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; inilagay niya siya sa pagdaramdam: pagka iyong gagawin ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan, (A)makikita niya ang kaniyang lahi, (B)pahahabain niya ang kaniyang mga kaarawan, at ang pagkalugod ng Panginoon ay lalago sa kaniyang kamay.

Read full chapter

Sapagka't (A)nang tayo ay mahihina pa ay (B)namatay si Cristo sa kapanahunan dahil sa mga masama.

Read full chapter

Datapuwa't ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin.

Read full chapter

32 Siya, na hindi ipinagkait (A)ang kaniyang sariling anak kundi ibinigay dahil sa ating lahat, bakit hindi naman ibibigay sa atin ng walang bayad ang lahat ng mga bagay?

Read full chapter

34 Sino (A)ang hahatol? Si Cristo Jesus na namatay, oo, yaong nabuhay na maguli sa mga patay na (B)siyang nasa kanan ng Dios, (C)na siya namang namamagitan dahil sa atin.

Read full chapter

21 Yaong hindi nakakilala ng kasalanan (A)ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo'y maging sa kaniya'y (B)katuwiran ng Dios.

Read full chapter

Na siyang (A)nagbigay sa kaniyang sarili dahil sa ating mga kasalanan, upang tayo'y mailigtas (B)dito sa kasalukuyang masamang sanglibutan, ayon sa kalooban ng ating Dios at Ama:

Read full chapter

At magsilakad kayo sa pagibig, (A)gaya rin naman ng pagibig ni Cristo sa inyo, at ibinigay dahil sa atin ang kaniyang sarili, na (B)hain at handog sa Dios upang maging samyo ng masarap na amoy.

Read full chapter

24 Na siya rin ang (A)nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy, upang (B)pagkamatay natin sa mga kasalanan, ay mangabuhay tayo sa katuwiran; (C)na dahil sa kaniyang mga sugat ay nangagsigaling kayo.

Read full chapter

18 Sapagka't si Cristo man ay (A)nagbata ring (B)minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, (C)upang tayo'y madala niya sa Dios; siyang pinatay (D)sa laman, nguni't (E)binuhay (F)sa espiritu;

Read full chapter