Add parallel Print Page Options

Upang kanilang maalaman (A)mula sa sikatan ng araw, at mula sa kalunuran, na walang iba liban sa akin: ako ang Panginoon, at walang iba.

Read full chapter

Ang Panginoon lamang ang tagapagligtas.

14 Ganito ang sabi ng Panginoon, (A)Ang yari ng Egipto, at ang kalakal ng Etiopia, at ang mga Sabeo, sa mga taong matatangkad, ay magsisiparito sa iyo, at sila'y magiging iyo; sila'y magsisisunod sa iyo, sila'y (B)magsisidaang may tanikala; at sila'y mangagpapatirapa sa iyo, sila'y magsisipamanhik sa iyo, na mangagsasabi, (C)Tunay na ang Dios ay nasa iyo; at (D)walang ibang Dios.

Read full chapter

18 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon (A)na lumikha ng langit, na siyang Dios na nag-anyo sa lupa at gumawa niyaon, na kaniyang itinatag, at hindi niya nilikha na sira, na kaniyang inanyuan upang tahanan: ako ang Panginoon; at wala nang iba.

Read full chapter

21 Kayo'y mangagpahayag, at mangagpasapit; oo, magsanggunian silang magkakasama: sinong nagpakilala nito mula nang mga unang panahon? sinong nagpahayag niyaon nang una? hindi baga ang Panginoon? at (A)walang Dios liban sa akin: isang ganap na Dios at (B)Tagapagligtas; walang iba liban sa akin.

22 Kayo'y magsitingin sa akin, (C)at kayo'y mangaligtas, lahat na taga wakas ng lupa: sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin.

Read full chapter

Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot man: (A)hindi ko baga ipinahayag sa iyo nang una, at ipinakilala? at (B)kayo ang aking mga saksi. May Dios baga liban sa akin? oo, walang malaking Bato; ako'y walang nakikilalang iba.

Read full chapter

Inyong alalahanin ang mga (A)dating bagay ng una: sapagka't ako'y Dios, (B)at walang iba liban sa akin; ako'y Dios, at walang gaya ko;

Read full chapter