Add parallel Print Page Options

28 Na nagsasabi tungkol kay (A)Ciro, Siya'y aking pastor, at isasagawa ang lahat kong kaligayahan: na nagsasabi nga rin tungkol sa Jerusalem, (B)Siya'y matatayo; at sa templo, Ang iyong patibayan ay malalagay.

Kaniyang sinugo si Ciro upang maging tagapagligtas ng mga nasa pagkakabihag.

45 Ganito ang sabi ng Panginoon sa (C)kaniyang pinahiran ng langis, kay Ciro, na ang kanang kamay ay aking hinawakan, (D)upang magpasuko ng mga bansa sa harap niya; at aking kakalagan ang mga balakang ng mga hari; upang magbukas ng mga pintuan sa unahan niya, at ang mga pintuang-bayan ay hindi masasarhan;

13 Aking ibinangon (A)siya sa katuwiran, at aking tutuwirin ang lahat niyang lakad; (B)kaniyang itatayo ang aking bayan, at kaniyang palalayain ang aking mga natapon, (C)hindi sa halaga o sa kagantihan man, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Read full chapter