Add parallel Print Page Options

Ang kawalang kabuluhan ng pagtitiwala sa Egipto.

30 Sa aba ng mga mapanghimagsik na mga anak, sabi ng Panginoon, (A)na nagsisisangguni, nguni't hindi sa akin; (B)at nangagaalay ng alay, nguni't hindi sa aking Espiritu, (C)upang makapagdagdag ng kasalanan sa kasalanan;

Read full chapter
'Isaias 30:1' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Bigong Pagtitiwala sa Ehipto

30 “Kahabag-habag ang mga mapaghimagsik na mga anak,” sabi ng Panginoon,
“na nagsasagawa ng panukala, ngunit hindi mula sa akin;
na nakikipagkasundo, ngunit hindi sa aking Espiritu,
    upang sila'y makapagdagdag ng kasalanan sa kasalanan;

Read full chapter

20 At kaniyang sinabi, (A)Aking ikukubli ang aking mukha sa kanila,
Aking titingnan kung anong mangyayari sa kanilang wakas;
Sapagka't sila'y isang napakasamang lahi,
Na mga anak na walang pagtatapat.

Read full chapter
'Deuteronomio 32:20' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

20 At kanyang sinabi, ‘Aking ikukubli ang aking mukha sa kanila,
    aking titingnan kung ano ang kanilang magiging wakas;
sapagkat sila'y isang napakasamang lahi,
    mga anak na walang katapatan.

Read full chapter

Ah bansang salarin, bayang napapasanan ng kasamaan, lahi ng mga manggagawa ng kasamaan, mga anak na nagsisigawa ng kalikuan: pinabayaan nila ang Panginoon, hinamak nila ang Banal ng Israel, sila'y nangapalayo na nagsiurong.

Read full chapter
'Isaias 1:4' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ah, bansang makasalanan,
    bayang punô ng kasamaan,
anak ng mga gumagawa ng kasamaan,
    mga anak na gumagawa ng kabulukan!
Tinalikuran nila ang Panginoon,
    hinamak nila ang Banal ng Israel,
    sila'y lubusang naligaw.

Read full chapter