Add parallel Print Page Options

Paparusahan ang Egipto at Etiopia

20 Noong taon na ang Asdod ay salakayin at sakupin ng pinakamataas na heneral na sinugo ni Haring Sargon ng Asiria, sinabi ni Yahweh kay Isaias na anak ni Amoz, “Hubarin mo ang iyong damit-panluksa at mag-alis ka ng sandalyas.” Gayon nga ang ginawa ni Isaias at lumakad siyang hubad at nakayapak. Pagkatapos, sinabi ni Yahweh, “Kung paanong ang lingkod kong si Isaias ay tatlong taóng lumalakad na hubad at nakayapak, bilang tanda ng mga mangyayari sa Egipto at Etiopia,[a] gayundin bibihagin ng hari ng Asiria ang mga Egipcio at mga taga-Etiopia. Matanda't bata'y kakaladkaring nakayapak at hubad na ang mga pigi ay nakalabas. O anong laking kahihiyan sa Egipto! Dahil dito'y manlulumo at masisiraan ng loob ang lahat ng nagtiwala sa Etiopia na kanilang inaasahan at sa Egipto na kanilang ipinagmamalaki. Sa araw na iyon, sasabihin ng mga naninirahan sa baybaying-dagat, ‘Tingnan ninyo ang nangyari sa mga bansang ating inaasahan! Sila pa naman ang inaasahan nating magtatanggol sa atin laban sa hari ng Asiria! Paano na tayo makakaligtas ngayon?’”

Footnotes

  1. Isaias 20:3 ETIOPIA: Sa wikang Hebreo ay “Cus”; sakop ng lugar na ito ang mga kasalukuyang bansa ng Etiopia at Sudan.
'Isaias 20 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang pagkabihag ng Egipto at ng Etiopia ay hinulaan.

20 Nang taong dumating si (A)Tartan kay (B)Asdod, nang suguin siya ni Sargon na hari sa Asiria, at siya'y makipaglaban kay Asdod, at sakupin niya;

Nang panahong yaon ay nagsalita ang Panginoon sa pamamagitan ni (C)Isaias na anak ni Amoz, na nagsasabi, Ikaw ay yumaon, at kalagin mo (D)ang kayong magaspang sa iyong mga balakang, at maghubad ka ng iyong panyapak sa iyong paa. At ginawa niyang gayon (E)na lumakad na hubad at walang panyapak.

At sinabi ng Panginoon, Kung paanong ang aking lingkod na si Isaias ay lumakad na hubad at walang panyapak na tatlong taon na (F)pinakatanda at pinakakamanghaan sa Egipto at sa (G)Etiopia;

Gayon ihahatid (H)ng hari sa Asiria ang mga bihag sa Egipto, at (I)ang mga tapon sa Etiopia, bata at matanda, hubad at walang panyapak, at may mga pigi (J)na litaw, sa ikapapahiya ng Egipto.

At sila'y manganglulupaypay (K)at mangapapahiya, dahil sa Etiopia na kanilang pagasa at sa Egipto na kanilang kaluwalhatian.

At ang nananahan sa (L)baybaying ito ay mangagsasabi sa araw na yaon, Narito, gayon na lamang ang aming pagasa, na aming tinakasan na hiningan ng tulong upang makalaya sa hari sa Asiria: at kami paanong makatatanan?