Add parallel Print Page Options

Parurusahan ang Ehipto

19 Isang(A) pahayag tungkol sa Ehipto.

Tingnan ninyo, ang Panginoon ay nakasakay sa isang matuling ulap,
    at patungo sa Ehipto,
at ang mga diyus-diyosan ng Ehipto ay manginginig sa kanyang harapan,
    at ang puso ng Ehipto ay manlulumo sa gitna niyon.
Aking kikilusin ang mga Ehipcio laban sa mga Ehipcio;
    at sila'y maglalaban, bawat tao laban sa kanyang kapatid,
    at bawat tao laban sa kanyang kapwa,
    lunsod laban sa lunsod, at kaharian laban sa kaharian.
Ang diwa ng mga Ehipcio ay mauubos sa gitna niyon;
    at aking guguluhin ang kanilang mga panukala;
at sasangguni sila sa mga diyus-diyosan, at sa mga engkantador,
    at sa mga sumasangguni sa masamang espiritu, at sa mga manghuhula.
Aking ibibigay ang mga Ehipcio
    sa kamay ng mabagsik na panginoon;
at mabangis na hari ang maghahari sa kanila,
    sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo.

Ang tubig ng Nilo ay matutuyo,
    at ang ilog ay mawawalan ng tubig at matutuyo.
Ang mga ilog ay babaho;
    ang mga batis ng Ehipto ay huhupa at matutuyo,
    ang mga tambo at mga talahib ay matutuyo.
Magkakaroon ng mga walang tanim na dako sa pampang ng Nilo,
    sa baybayin ng Nilo,
at lahat ng inihasik sa tabi ng Nilo ay matutuyo,
    matatangay, at mawawala.
Ang mga mangingisda ay tatangis,
    lahat ng naglalawit ng bingwit sa Nilo ay tatangis,
    at manghihina silang naglaladlad ng mga lambat sa tubig.
Ang mga gumagawa ng tela ay mawawalan ng pag-asa,
    at ang humahabi ng puting damit ay manghihina.
10 Ang mga haligi ng lupain ay madudurog,
    at ang lahat na nagpapaupa ay magdadalamhati.

11 Ang mga pinuno ng Zoan ay lubos na hangal;
    ang matatalinong tagapayo ni Faraon ay nagbibigay ng payong hangal.
Paanong masasabi ninyo kay Faraon,
    “Ako'y anak ng pantas,
    anak ng mga dating hari?”
12 Saan ngayon naroon ang iyong mga pantas?
    Sasabihin nga nila sa iyo ngayon at ipaalam nila
    kung ano ang pinanukala ng Panginoon ng mga hukbo laban sa Ehipto.
13 Ang mga pinuno ng Zoan ay naging mga hangal,
    ang mga pinuno ng Memfis ay dinaya,
sila na panulok na bato ng kanyang mga lipi
    ang nagligaw sa Ehipto.
14 Inihalo ng Panginoon sa kanya
    ang espiritu ng pagkalito;
at iniligaw nila sa bawat gawa niya ang Ehipto,
    pasuray-suray sa kanyang pagsusuka gaya ng lasing na tao.
15 Hindi na magkakaroon ng anuman para sa Ehipto
    na magagawa ng ulo o ng buntot, sanga ng palma, o tambo.

Pagbabalik-loob ng Ehipto at ng Asiria

16 Sa araw na iyon ay magiging parang mga babae ang mga Ehipcio, at manginginig sa takot sa harapan ng kamay ng Panginoon ng mga hukbo na kanyang itinataas laban sa kanila.

17 At ang lupain ng Juda ay magiging kakilabutan sa Ehipto; kaninuman mabanggit iyon ay matatakot, dahil sa panukala ng Panginoon ng mga hukbo, na ipinanukala laban doon.

18 Sa araw na iyon ay magkakaroon ng limang bayan sa lupain ng Ehipto na magsasalita ng wika ng Canaan, at magsisisumpa ng katapatan sa Panginoon ng mga hukbo. Ang isa roo'y tatawaging ‘Lunsod ng Araw.’

19 Sa araw na iyon ay magkakaroon ng isang dambana sa Panginoon sa gitna ng lupain ng Ehipto, at isang haligi sa Panginoon sa hangganan niyon.

20 Iyon ay magiging tanda at saksi sa Panginoon ng mga hukbo sa lupain ng Ehipto. Kapag sila'y dumaing sa Panginoon dahil sa mga mang-aapi, magsusugo siya sa kanila ng isang tagapagligtas, at kanyang ipagtatanggol at ililigtas sila.

21 At ipapakilala ng Panginoon ang kanyang sarili sa Ehipto, at makikilala ng mga Ehipcio ang Panginoon sa araw na iyon at sila'y magsisisamba na may alay at handog na sinusunog. At sila'y gagawa ng panata sa Panginoon at tutuparin ang mga iyon.

22 At sasaktan ng Panginoon ang Ehipto, sinasaktan at pinagagaling, at sila'y manunumbalik sa Panginoon, at kanyang papakinggan ang kanilang mga daing at pagagalingin sila.

23 Sa araw na iyon ay magkakaroon ng lansangan mula sa Ehipto hanggang sa Asiria, at ang mga taga-Asiria ay magsisipasok sa Ehipto, at ang mga Ehipcio ay sa Asiria, at ang mga Ehipcio ay magsisisambang kasama ng mga taga-Asiria.

24 Sa araw na iyon ay magiging pangatlo ang Israel sa Ehipto at sa Asiria, isang pagpapala sa gitna ng lupain,

25 na pinagpala ng Panginoon ng mga hukbo, na sinasabi, “Pagpalain ang bayan kong Ehipto, at ang Asiria na gawa ng aking mga kamay, at ang Israel na aking mana.”

'Isaias 19 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang hula tungkol sa Egipto. Pagsamsam, susundan ng pagbalik sa Panginoon.

19 (A)Ang hula tungkol sa (B)Egipto.

Narito, ang (C)Panginoon ay nakasakay sa isang matuling alapaap, at napasasa Egipto: at (D)ang mga diosdiosan ng Egipto ay makikilos sa kaniyang harapan, at ang puso ng Egipto ay manglulumo sa gitna niyaon.

At aking hihikayatin ang mga Egipcio laban sa mga Egipcio: at lalaban bawa't isa sa kanikaniyang kapatid, at bawa't isa laban sa kaniyang kapuwa; bayan laban sa bayan, at kaharian laban sa kaharian.

At ang diwa ng Egipto ay mauupos sa gitna niyaon; at aking sisirain ang payo niyaon: at (E)sasangguni sila sa mga diosdiosan, at sa mga enkantador, at sa mga nakikipagsanggunian sa masamang espiritu, at sa mga manghuhula.

At aking ibibigay ang mga Egipcio (F)sa kamay ng mabagsik na panginoon; at mabangis na hari ay magpupuno sa kanila, sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo.

At (G)magkukulang ng tubig sa mga dagat, at ang ilog ay mawawalan ng tubig at matutuyo.

At ang mga ilog ay babaho; ang mga batis ng Egipto ay huhupa at matutuyo: ang mga tambo at mga talahib ay mangatutuyo.

Ang mga parang sa pangpang ng Nilo, sa baybayin ng Nilo, at lahat na nahasik sa tabi ng Nilo, mangatutuyo, mangatatangay, at mangawawala.

(H)Ang mga mangingisda naman ay magsisitaghoy, at lahat ng nangaglalawit ng bingwit sa Nilo ay tatangis, at silang nangaglaladlad ng mga lambat sa mga tubig ay manganglalata.

Bukod dito'y silang nagsisigawa sa mga (I)lino, at silang nagsisihabi ng puting damit ay mangapapahiya.

10 At ang kaniyang mga haligi ay magkakaputolputol, silang lahat na nangagpapaupa ay nangagdadalamhati ang kalooban.

11 Ang mga pangulo sa (J)Zoan ay lubos na mangmang; ang payo ng mga pinakapantas at kasangguni ni Faraon ay naging tampalasan: paanong masasabi ninyo kay Faraon, Ako'y anak ng pantas, anak ng mga dating hari?

12 Saan nangaroon nga (K)ang iyong mga pantas? at sasabihin nila sa iyo ngayon; at alamin nila kung ano ang pinanukala ng Panginoon ng mga hukbo tungkol sa Egipto.

13 Ang mga pangulo sa Zoan ay naging mga mangmang, ang mga pangulo sa Nof ay (L)nangadaya; kanilang iniligaw ang Egipto, na siyang panulok na bato ng kaniyang mga lipi.

14 Naghalo ang Panginoon ng (M)diwa ng kasuwailan sa gitna niya: at iniligaw nila ang Egipto sa bawa't gawa niya, na parang langong tao na nahahapay sa kaniyang suka.

15 Hindi na magkakaroon man sa Egipto (N)ng anomang gawain, na magagawa ng ulo o ng buntot, sanga ng palma, o tambo.

16 (O)Sa araw na yaon ay magiging (P)parang mga babae ang Egipto: at manginginig at matatakot dahil sa (Q)bala ng kamay ng Panginoon ng mga hukbo, na kaniyang ibinabala.

17 At ang lupain ng Juda ay magiging kakilabutan sa Egipto; sa kanino man mabanggit yaon ay matatakot, dahil sa panukala ng Panginoon ng mga hukbo, na ipinanukala laban doon.

18 (R)Sa araw na yaon ay magkakaroon ng limang bayan sa lupain ng Egipto, (S)na mangagsasalita ng wika ng Canaan, at magsisisumpa sa Panginoon ng mga hukbo; isa'y tatawagin: Ang bayang giba.

19 Sa araw na yaon ay (T)magkakaroon ng isang dambana sa Panginoon (U)sa gitna ng lupain ng Egipto, at isang haligi sa hangganan niyaon sa Panginoon.

20 (V)At magiging pinakatanda at pinakasaksi sa Panginoon ng mga hukbo sa lupain ng Egipto: sapagka't sila'y magsisidaing sa Panginoon dahil sa mga mamimighati, at magsusugo siya sa kanila ng isang tagapagligtas, at isang tagapagsanggalang, at kaniyang ililigtas sila.

21 At ang Panginoon ay makikilala sa Egipto, at makikilala ng mga Egipcio ang Panginoon sa araw na yaon; oo, (W)sila'y magsisisamba na may hain at alay, at magsisipanata ng panata sa Panginoon, at tutuparin.

22 At sasaktan ng Panginoon ang Egipto, na nananakit at magpapagaling; at sila'y manunumbalik sa Panginoon, at siya'y madadalanginan nila, at pagagalingin niya sila.

23 Sa araw na yaon ay (X)magkakaroon ng lansangan mula sa Egipto hanggang sa Asiria, at ang mga taga Asiria ay magsisipasok sa Egipto, at ang mga Egipcio ay sa Asiria, at ang mga Egipcio ay magsisisambang kasama ng mga taga Asiria.

24 Sa araw na yao'y magiging pangatlo ang Israel sa Egipto at sa Asiria, na pagpapala sa gitna ng lupain:

25 Sapagka't pinagpala sila ng Panginoon ng mga hukbo, na sinasabi, Pagpalain ang bayan kong Egipto, (Y)at ang Asiria na gawa ng aking mga kamay, at ang Israel na (Z)aking mana.