Add parallel Print Page Options

13 Hindi(A) ba't sinabi mo sa iyong sarili?
    ‘Aakyat ako sa langit;
at sa ibabaw ng mga bituin ng Diyos,
    ilalagay ko ang aking trono.
Uupo ako sa ibabaw ng bundok
    na tagpuan ng mga diyos sa malayong hilaga.
14 Aakyat ako sa ibabaw ng mga ulap,
    papantayan ko ang Kataas-taasan.’
15 Ngunit anong nangyari at nahulog ka sa daigdig ng mga patay?
    Sa kalalimang walang hanggan?

Read full chapter
'Isaias 14:13-15' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

13 At sinabi mo sa iyong sarili, Ako'y (A)sasampa sa langit, aking itataas ang aking luklukan sa itaas (B)ng mga bituin ng Dios; at ako'y uupo sa (C)bundok ng kapisanan, (D)sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan:

14 Ako'y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako'y magiging gaya ng Kataastaasan.

15 Gayon ma'y (E)mabababa ka sa Sheol, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hukay.

Read full chapter

24 Saka(A) pa lamang pinaulanan ni Yahweh ng apoy at asupre ang Sodoma at Gomorra. 25 Tinupok ni Yahweh ang mga lunsod na iyon at ang buong libis, lahat ng mamamayan doon pati ang mga pananim. 26 Ngunit(B) lumingon ang asawa ni Lot kaya't ito'y naging isang haliging asin.

27 Kinabukasan, maagang nagtungo si Abraham sa dakong pinagtagpuan nila ni Yahweh. 28 Mula roon, tinanaw niya ang Sodoma at Gomorra, at ang buong libis. Nakita niyang tumataas ang makapal na usok na parang nagmumula sa malaking hurno.

Read full chapter
'Genesis 19:24-28' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

24 (A)Nang magkagayo'y nagpaulan ang Panginoon sa Sodoma at Gomorra ng azufre at apoy mula sa Panginoon na buhat sa langit;

25 At ginunaw niya ang mga bayang yaon, at ang buong Kapatagan at ang lahat ng nangananahan sa mga bayang yaon, at ang tumutubo sa lupang yaon.

26 Datapuwa't ang asawa ni Lot ay lumingon sa likuran ni Lot, (B)at naging haliging asin.

27 At si Abraham ay sumampang maaga ng kinaumagahan (C)sa dakong kinatayuan niya sa harap ng Panginoon.

28 At siya'y tumingin sa dakong Sodoma at Gomorra, at sa buong lupain ng Kapatagan, at tumanaw, at narito, ang (D)usok ng lupain ay napaiilanglang na parang usok ng isang hurno.

Read full chapter