Add parallel Print Page Options

Ang propeta ang bantay sa Efraim, ang bayan ng aking Diyos,
gayunma'y nasa lahat ng kanyang daan ang bitag ng manghuhuli,
    at ang pagkamuhi ay nasa bahay ng kanyang Diyos.
Pinasama(A) nila nang lubusan ang kanilang mga sarili.
    na gaya nang mga araw ng Gibea;
kanyang aalalahanin ang kanilang kasamaan,
    kanyang parurusahan sila dahil sa kanilang mga kasalanan.

Ang Kasalanan ng Israel at mga Bunga Nito

10 Aking(B) natagpuan ang Israel na parang ubas sa ilang.
Aking nakita ang inyong mga magulang
    na parang unang bunga sa puno ng igos
    sa kanyang unang kapanahunan.
Ngunit sila'y pumaroon kay Baal-peor,
    at itinalaga ang kanilang sarili sa kahihiyan,
    at naging kasuklamsuklam na gaya ng bagay na kanilang inibig.

Read full chapter