Add parallel Print Page Options

Nais ko sanang pagalingin ang Israel,
    ngunit nakikita ko naman ang kabulukan ng Efraim,
    at ang masasamang gawa ng Samaria.
Sila'y manlilinlang, magnanakaw at tulisan.
Hindi nila naiisip na hindi ko nakakalimutan
    ang lahat ng kanilang masasamang gawain.
Sila'y lipos ng kasamaan,
    at nakikita ko ang lahat ng ito.”

Sabwatan sa Palasyo

“Napapaniwala nila ang hari sa kanilang kasamaan,
    at maging ang mga pinuno ay kanilang nalinlang.
Lahat sila'y mangangalunya;
    para silang nag-aapoy na pugon
na pinababayaan ng panadero,
    mula sa panahon ng pagmamasa hanggang sa panahon ng pag-alsa.
Nang dumating ang araw ng ating hari,
    nalasing sa alak ang mga pinuno,
    at pati ang hari'y nakipag-inuman sa mga manlilibak.
Nag-aalab[a] na parang pugon ang kanilang mga puso;
    pawang kasamaan ang kanilang binabalak.
    Magdamag na nag-aalimpuyo ang kanilang galit,
    at kinaumagaha'y nagliliyab na parang apoy.
Lahat sila'y parang pugon na nag-iinit sa galit,
    pinatay nila ang kanilang mga pinuno.
Bumagsak ang lahat ng mga hari nila;
    at wala ni isa mang nakaisip na sa aki'y tumawag.”

Ang Israel at ang mga Bansa

“Nakikisama ang Efraim sa mga sumasamba sa mga diyus-diyosan;
    ang katulad nila'y tinapay na hindi lubusang luto.
Inuubos ng mga dayuhan ang lakas ni Efraim,
    ngunit hindi niya ito namamalayan.
Pumuputi ang kanyang buhok,
    at hindi niya ito napapansin.
10 Ang kapalaluan ng Israel ang magpapahamak sa kanila.
    Gayunman, ayaw nilang manumbalik kay Yahweh na kanilang Diyos,
    ayaw nilang hanapin ang kanilang Diyos.
11 Ang Efraim ay katulad ng isang kalapati,
    mangmang at walang pang-unawa;
    tumatawag sa Egipto, at sumasangguni sa Asiria.
12 Sa kanilang pag-alis, lambat ko sa kanila'y ihahagis,
    huhulihin ko sila na parang mga ibon sa papawirin.
    Paparusahan ko sila dahil sa masasama nilang gawain.

13 “Mapapahamak sila dahil sa paglayo sa akin!
    Lilipulin sila sapagkat naghimagsik sila laban sa akin!
Tutubusin ko sana sila,
    ngunit nagsasalita sila ng kasinungalingan laban sa akin.
14 Tumatangis sila sa kanilang mga higaan,
    ngunit hindi taos puso ang kanilang pagtawag sa akin.
Sinasaktan nila ang sarili dahil sa pagkain at sa alak,
    pagkatapos ay naghihimagsik sila laban sa akin.
15 Bagama't sinanay ko sila at pinalakas,
    nagbalak pa sila ng masama laban sa akin.
16 Humihingi sila ng tulong kay Baal;
    ang katulad nila'y taksil na mandirigma.
Masasawi sa espada ang mga pinuno nila
    dahil sa kanilang palalong dila.
Ito ang dahilan ng panlilibak sa kanila sa lupain ng Egipto.”

Footnotes

  1. 6 Nag-aalab: Sa ibang manuskrito'y Lumalapit sila .
'Hosea 7 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang Ephraim at ang Juda ay napapanganib sa paghihimagsik ng Israel.

Nang aking pagagalingin ang Israel, ang kasamaan nga ng Ephraim ay lumitaw, at ang kasamaan ng Samaria; sapagka't sila'y nagsinungaling; at ang magnanakaw ay pumapasok, at ang pulutong ng mga tulisan ay nananamsam sa labas.

At hindi nila ginugunita sa kanilang mga puso na aking inaalaala ang lahat nilang kasamaan: ngayo'y kinukulong sila sa palibot ng kanilang sariling mga gawa; (A)sila'y nangasa harap ko.

Kanilang pinasasaya ng kanilang kasamaan ang hari, at ng kanilang pagsisinungaling ang mga prinsipe.

Silang lahat ay mga mangangalunya; sila'y parang hurnong iniinit ng magtitinapay; siya'y tumitigil na magsulong ng apoy, mula sa paggawa ng masa hanggang sa umaasim.

Nang kaarawan ng ating hari ang mga prinsipe ay nagpakasakit sa pamamagitan ng tapang ng alak; kaniyang iniuunat ang kaniyang kamay sa mga mangduduwahagi.

Sapagka't kanilang inihanda ang kanilang puso na parang hurno, samantalang sila'y nangagaabang: ang kanilang magtitinapay ay natutulog magdamag; sa kinaumagaha'y nagniningas na parang liyab na apoy.

Silang lahat ay nangagiinit na parang hurno, at nilalamon ang kanilang mga hukom; lahat nilang hari ay nangabuwal: (B)wala sa kanila na tumawag sa akin.

Ang Ephraim, (C)nakikisalamuha sa mga bayan; ang Ephraim ay isang tinapay na hindi binalik.

Nilamon ng mga taga ibang lupa ang kaniyang (D)yaman, at hindi niya nalalaman: oo, mga uban ay nasasabog sa kaniya, at hindi niya nalalaman.

10 At (E)ang kapalaluan ng Israel ay nagpapatotoo sa kaniyang mukha: (F)gayon ma'y hindi sila nanumbalik sa Panginoon nilang Dios, ni hinanap man siya nila, dahil sa lahat na ito.

11 At ang Ephraim (G)ay parang isang mangmang na kalapati, na walang unawa (H)sila'y nagsitawag sa Egipto, sila'y nagsiparoon sa Asiria.

12 Pagka sila'y magsisiyaon, ay (I)aking ilaladlad ang aking lambat sa kanila; akin silang ibabagsak na parang mga ibon sa himpapawid; aking parurusahan sila, gaya ng narinig (J)sa kanilang kapisanan.

13 Sa aba nila! sapagka't sila'y nagsilayas sa akin; kagibaa'y suma kanila! sapagka't sila'y nagsisalangsang laban sa akin: bagaman sila'y (K)aking tinubos, gayon ma'y nangagsalita ng kasinungalingan sila laban sa akin.

14 At sila'y hindi nagsidaing (L)sa akin ng kanilang puso, kundi sila'y nagsiangal sa kanilang mga higaan: sila'y nagpupulong dahil sa trigo at alak; sila'y nanganghimagsik laban sa akin.

15 Bagaman aking tinuruan at pinalakas ang kanilang mga bisig, gayon ma'y nangagisip sila ng kalikuan laban sa akin.

16 Sila'y nanganunumbalik, nguni't hindi (M)sa kaniya na nasa kaitaasan: sila'y (N)parang magdarayang busog: ang kanilang mga prinsipe ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak dahil sa poot (O)ng kanilang dila: ito ang magiging katuyaan sa kanila (P)sa lupain ng Egipto.