Add parallel Print Page Options

Ang Pagkawasak ng Efraim

13 Noong una, kapag nagsalita si Efraim,
    ang mga tao ay nanginginig sa takot,
    sapagkat siya ay pinaparangalan sa Israel.
Ngunit nagkasala siya at nahatulang mamatay dahil sa pagsamba kay Baal.
Hanggang ngayo'y patuloy sila sa paggawa ng kasalanan.
Tinutunaw ang mga pilak at ginagawang diyus-diyosan.
Pagkatapos ay sinasabi, “Maghandog kayo rito!
    At halikan ninyo ang mga guyang ito.”
Kaya nga, matutulad sila sa mga ulap sa umaga
    o sa hamog na madaling naglalaho;
gaya ng ipa na inililipad ng hangin,
    gaya ng usok na tinatangay sa malayo.

Sinabi ni Yahweh, “Ako si Yahweh na inyong Diyos.
    Ako ang nagpalaya sa inyo sa Egipto.
Noon, wala kayong ibang Diyos kundi ako,
    at walang ibang tagapagligtas maliban sa akin.
Kinalinga(A) ko kayo sa ilang,
    sa lupaing tuyo at tigang.
Ngunit nang kayo'y mabusog ay naging palalo;
    at kinalimutan na ninyo ako.
Kaya naman, kayo'y lalapain kong gaya ng leon,
    gaya ng isang leopardong nag-aabang sa tabing daan.
Susunggaban ko kayo, gaya ng osong inagawan ng anak,
    lalapain ko kayo gaya ng isang leon,
    gaya ng paglapa ng isang hayop na mabangis.
Wawasakin kita, Israel;
    sino ang sasaklolo sa iyo?
10 Nasaan(B) ngayon ang iyong hari na magliligtas sa iyo?
    Nasaan ang hari at ang mga pinunong sa akin ay hiningi mo?
11 Sa(C) galit ko sa inyo'y binigyan ko kayo ng mga hari,
    at dahil din sa aking poot, sila'y inaalis ko.

12 “Inilista ko ang ginagawang kalikuan ni Efraim,
    tinatandaan kong mabuti para sa araw ng paniningil.
13 Ang Israel ay binigyan ko ng pagkakataong magbagong-buhay,
    ngunit ito'y kanyang tinanggihan.
Para siyang sanggol na ayaw lumabas sa sinapupunan.
    Siya'y anak na suwail at mangmang!
14 Hindi(D) ko sila paliligtasin sa daigdig ng mga patay.
    Hindi ko sila paliligtasin sa kamatayan.
Kamatayan, pahirapan mo sila.
    Libingan, parusahan mo sila.
    Wala na akong nalalabing awa sa kanila.
15 Bagaman siya'y lumagong gaya ng tambo,
    may darating na hangin mula kay Yahweh,
    ang hanging silangang nagbubuhat sa ilang,
tutuyuin ang kanyang mga batis
    at aagawin ang kanyang yaman.
16 Mananagot ang Samaria,
    sapagkat siya'y naghimagsik laban sa Diyos.
Mamamatay sa tabak ang mga mamamayan niya.
    Ipaghahampasan sa lupa ang kanyang mga sanggol,
    at lalaslasin ang tiyan ng mga nagdadalang-tao.”

'Hosea 13 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Binigyan ng mga babala.

13 Nang magsalita ang Ephraim, ay nagkaroon ng panginginig; siya'y nagpapakalaki sa kaniyang sarili sa Israel; nguni't nang (A)siya'y magkasala tungkol kay Baal ay namatay siya.

At ngayo'y nangagkasala sila ng higit at higit, at nagsigawa sila ng mga larawang binubo sa kanilang pilak, mga diosdiosan na ayon sa kanilang unawa, lahat ng yaon ay gawa ng manggagawa: sinasabi nila tungkol sa mga yaon; Magsihalik sa mga guya ang mga tao na nangaghahain.

Kaya't sila'y magiging parang ulap sa umaga, at parang hamog na nawawalang maaga, na (B)gaya ng dayami na tinatangay ng ipoipo mula sa giikan, at (C)parang usok na lumalabas sa Chimenea:

Gayon ma'y ako ang Panginoon mong Dios mula sa lupain ng Egipto; at wala kang makikilalang Dios kundi ako, at liban sa akin (D)ay walang tagapagligtas.

Nakilala kita (E)sa ilang, (F)sa lupain ng malaking katuyuan.

Ayon sa pastulan sa kanila, gayon sila nangabusog; (G)sila'y nangabusog, at ang kanilang puso ay nagmalaki: kaya't kinalimutan nila ako.

Kaya't ako'y magiging parang leon sa kanila; parang leopardo na ako'y magbabantay sa tabi ng daan;

Aking sasalubungin sila na gaya ng oso na ninakawan ng kaniyang mga anak, at aking babakahin ang lamak ng kanilang puso; at doo'y lalamunin ko sila ng gaya ng leon; lalapain sila ng mabangis na hayop.

Siyang iyong kapahamakan (H)Oh Israel, (I)na ikaw ay laban sa akin, laban sa iyong katulong.

10 Saan nandoon ngayon ang iyong hari upang mailigtas ka niya sa lahat ng iyong bayan? at ang iyong mga hukom, na (J)iyong pinagsasabihan, Bigyan mo ako ng hari at mga prinsipe?

11 Aking binigyan ka ng (K)hari sa aking kagalitan, at inalis ko siya sa aking poot.

12 Ang kasamaan ng Ephraim ay nababalot; ang kaniyang kasalanan ay nabubunton.

13 Ang mga kapanglawan ng nagdaramdam na babae ay dadanasin niya: siya'y hindi pantas na anak; sapagka't panahon na hindi sana siya marapat maghirap (L)sa pagwawaksi ng mga yaon.

14 Aking tutubusin sila mula sa kapangyarihan ng Sheol; aking tutubusin sila mula sa kamatayan. (M)Oh kamatayan, saan nandoon ang iyong mga salot? Oh Sheol, saan nandoon ang iyong kasiraan? (N)pagsisisi ay malilingid sa aking mga mata.

15 Bagaman siya'y mabunga sa kaniyang mga kapatid, isang hanging silanganan ay (O)darating, ang hinga ng Panginoon ay umiilanglang mula sa ilang; at ang kaniyang tipunan ng tubig ay magiging tuyo, at ang kaniyang bukal ay matutuyo: kaniyang sasamsamin ang kayamanan ng lahat na maligayang kasangkapan.

16 Tataglayin ng Samaria ang kaniyang sala; sapagka't siya'y nanghimagsik laban sa kaniyang Dios: (P)sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak; ang kanilang mga sanggol ay pagluluraylurayin at ang kanilang mga nagdadalang tao ay paluluwain ang bituka.