Add parallel Print Page Options

Ang Kagandahan ng Templo

Nang ikadalawampu't isang araw ng ikapitong buwan, dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni propeta Hagai, na sinasabi,

“Magsalita ka ngayon kay Zerubabel na anak ni Sealtiel, na gobernador ng Juda, at kay Josue na anak ni Jehozadak, na pinakapunong pari, at sa lahat ng nalabi sa bayan, at sabihin mo,

‘Sino(A) ang naiwan sa inyo na nakakita sa bahay na ito sa kanyang dating kaluwalhatian? Ano ito ngayon sa tingin ninyo? Hindi ba walang kabuluhan sa inyong paningin?

Gayunma'y magpakalakas ka ngayon, O Zerubabel, sabi ng Panginoon; at magpakalakas ka, O Josue, na anak ni Jehozadak, na pinakapunong pari. Lakasan ninyo ang inyong loob, kayong sambayanan sa lupain, sabi ng Panginoon. Kayo'y magsigawa, sapagkat ako'y sumasainyo sabi ng Panginoon ng mga hukbo,

ayon(B) sa pangako na aking sinabi sa inyo nang kayo'y lumabas sa Ehipto. Ang aking Espiritu ay naninirahan sa inyo. Huwag kayong matakot.

Sapagkat(C) ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: Minsan pa, sa sandaling panahon, aking uugain ang langit at ang lupa, ang dagat at ang tuyong lupa.

Aking uugain ang lahat ng mga bansa upang ang kayamanan ng lahat ng mga bansa ay dumating, at aking pupunuin ang bahay na ito ng kaluwalhatian, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Akin ang pilak at akin ang ginto, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Ang susunod na kaluwalhatian ng bahay na ito ay magiging higit na dakila kaysa dati, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Sa dakong ito ay magbibigay ako ng kapayapaan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.’”

10 Nang ikadalawampu't apat na araw ng ikasiyam na buwan, nang ikalawang taon ni Dario, dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni propeta Hagai, na sinasabi,

11 “Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Itanong ninyo ngayon sa mga pari upang pagpasiyahan ang katanungang ito:

12 ‘Kung ang isang tao ay may dalang itinalagang karne sa laylayan ng kanyang damit, ang kanyang laylayan ay makasagi ng tinapay, o nilaga, o alak, o langis, o anumang pagkain, nagiging banal ba ito?’” Sumagot ang mga pari, “Hindi.”

13 Nang(D) magkagayo'y sinabi ni Hagai, “Kung ang isang taong marumi dahil sa paghipo sa isang bangkay ay masagi ang alinman sa mga ito, nagiging marumi ba ito?” Sumagot ang mga pari, “Nagiging marumi iyon.”

14 Nang magkagayo'y sumagot si Hagai, at nagsabi, “Gayon ang bayang ito, at gayon ang bansang ito sa harap ko, sabi ng Panginoon. Gayon ang bawat gawa ng kanilang mga kamay, at ang kanilang inihahandog doon ay marumi.

15 Ngunit ngayon, inyong pakaisipin kung ano ang mangyayari mula sa araw na ito. Bago ipatong ang isang bato sa isa pang bato sa templo ng Panginoon,

16 mula sa panahong iyon, kapag ang isang tao ay lumalapit sa isang bunton ng dalawampung takal, magkakaroon ng sampu lamang; kapag ang isa ay lumalapit sa pigaan ng alak upang kumuha ng limampung sukat, may dalawampu lamang.

17 Sinalot ko kayo ng pagkalanta at ng amag at ng yelo sa lahat ng gawa ng inyong mga kamay; gayunma'y hindi kayo nanumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.

18 Isaalang-alang mula sa araw na ito, mula sa ikadalawampu't apat na araw ng ikasiyam na buwan, mula nang araw na ilagay ang saligan ng templo ng Panginoon isaalang-alang ninyo.

19 Ang binhi ba'y nasa kamalig pa? O kahit ang puno ng ubas, ang puno ng igos, ang granada, at ang puno ng olibo ay wala pa ring bunga? Gayunman, mula sa araw na ito ay pagpapalain ko kayo.”

Ang Pangako ng Panginoon

20 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa ikalawang pagkakataon kay Hagai nang ikadalawampu't apat na araw ng buwan, na sinasabi,

21 “Magsalita ka kay Zerubabel na gobernador ng Juda, at iyong sabihin, Aking uugain ang mga langit at ang lupa;

22 at aking ibabagsak ang trono ng mga kaharian, at aking sisirain ang lakas ng mga kaharian ng mga bansa; at ibubuwal ang mga karwahe at ang mga sumasakay sa mga iyon; at ang mga kabayo at ang mga sakay ng mga iyon ay mahuhulog, ang bawat isa sa pamamagitan ng tabak ng kanyang kasama.

23 Sa araw na iyon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kukunin kita, O Zerubabel, na aking lingkod, na anak ni Sealtiel, sabi ng Panginoon, at gagawin kitang gaya ng singsing na pantatak; sapagkat pinili kita, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.”

'Hagai 2 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang kahirapan ng mga tao ay dahil sa sila'y di tapat.

(A)Nang ikapitong buwan nang ikadalawang pu't isang araw ng buwan, dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Hagai na propeta, na nagsasabi,

Salitain mo ngayon kay (B)Zorobabel na anak ni Sealtiel, na gobernador sa Juda, at kay Josue na anak ni Josadac, na pangulong saserdote, at sa (C)nalabi sa bayan, na sabihin mo,

Sino ang nananatili (D)sa inyo na nakakita sa bahay na ito sa kaniyang dating kaluwalhatian? at paanong nakikita ninyo ngayon? hindi baga sa inyong mga mata ay parang wala?

Gayon ma'y magpakalakas ka (E)ngayon, Oh Zorobabel, sabi ng Panginoon; at magpakalakas ka, Oh Josue, na anak ni Josadac, na pangulong saserdote; at mangagpakalakas kayo, kayong buong bayan sa lupain, sabi ng Panginoon, at (F)kayo'y magsigawa: sapagka't ako'y sumasa inyo sabi ng Panginoon ng mga hukbo,

Ayon (G)sa salita na aking itinipan sa inyo nang kayo'y magsilabas sa Egipto, at ang (H)aking Espiritu ay nanahan sa inyo: huwag kayong mangatakot.

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, (I)Minsan na lamang, sangdaling panahon, at (J)aking uugain ang langit, at ang lupa, at ang dagat, at ang tuyong lupa;

At aking uugain (K)ang lahat na bansa; (L)at darating ang mga bagay na nais ng lahat na bansa; at aking pupunuin ang bahay na ito ng (M)kaluwalhatian, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

(N)Ang pilak ay akin, at ang ginto ay akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Ang huling kaluwalhatian (O)ng bahay na ito ay magiging lalong dakila kay sa dati, sabi ng Panginoon ng mga hukbo; at sa dakong ito ay magbibigay ako ng (P)kapayapaan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

10 (Q)Nang ikadalawang pu't apat nang ikasiyam na buwan, nang (R)ikalawang taon ni Dario, dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Hagai na propeta, na nagsasabi,

11 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, (S)Mangagtanong kayo ngayon sa mga saserdote ng tungkol sa kautusan, na mangagsabi,

12 Kung ang isang tao ay may dala sa kaniyang kandungan na banal (T)na karne, at magsagi ng kaniyang laylayan ang tinapay, o ulam, o alak, o langis, o anomang pagkain, magiging banal pa baga? At ang mga saserdote ay nagsisagot, at nangagsabi, Hindi.

13 Nang magkagayo'y sinabi ni Hagai, Kung ang sinomang (U)marumi dahil sa bangkay ay (V)masagi ang anoman sa mga ito, magiging marumi baga? At ang mga saserdote ay nagsisagot at nangagsabi, Magiging marumi.

14 Nang magkagayo'y sumagot si Hagai, at nagsabi, Gayon nga ang bayang ito, at gayon ang bansang ito sa harap ko, sabi ng Panginoon; at gayon ang bawa't gawa ng kanilang mga kamay; at ang kanilang inihahandog doon ay marumi.

15 At ngayo'y isinasamo ko sa inyo, na inyong gunitain mula sa araw na ito at sa nakaraan, bago ang bato ay mapatong sa kapuwa bato sa templo ng Panginoon.

16 Nang buong panahong yaon, pagka ang isa ay (W)lumalapit sa isang bunton ng dalawang pung takal, may sangpu lamang; pagka ang isa ay lumalapit sa (X)pigaan ng alak upang kumuha ng limang pung sisidlan, may dalawang pu lamang.

17 Sinalot ko (Y)kayo ng (Z)pagkalanta at ng amag at ng granizo sa lahat ng gawa ng inyong mga kamay; gayon ma'y hindi kayo nanumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.

18 Isinasamo ko nga sa inyo, na kayo'y magdilidili mula sa araw na ito at sa nakaraan, (AA)mula nang ikadalawang pu't apat na araw ng ikasiyam na buwan, (AB)mula nang araw na ang tatagang-baon ng templo ng Panginoon ay ilagay, gunitain ninyo.

19 May binhi pa baga sa kamalig? oo, ang puno ng ubas, at ang puno ng igos, at ang granada, at ang puno ng olibo ay hindi nagbunga; mula sa araw na ito ay pagpapalain ko kayo.

Ang pangako ng Panginoon.

20 At ang salita ng Panginoon ay dumating na ikalawa kay Hagai nang ikadalawang pu't apat na araw ng buwan, na nagsasabi,

21 Salitain mo kay Zorobabel na gobernador sa Juda, na iyong sabihin, (AC)Aking uugain ang langit at ang lupa;

22 At (AD)aking guguluhin ang luklukan ng mga kaharian, at aking gigibain ang lakas ng mga kaharian ng mga bansa; (AE)at aking guguluhin ang mga karo, at yaong nagsisisakay sa mga yaon; at ang mga kabayo at ang mga sakay ng mga yaon ay mangahuhulog, ang (AF)bawa't isa'y sa pamamagitan ng tabak ng kaniyang kapatid.

23 Sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kita'y kukunin, Oh Zorobabel, na aking lingkod, na anak ni Sealtiel, sabi ng Panginoon, (AG)at gagawin kitang pinaka panatak; sapagka't pinili (AH)kita, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.