Add parallel Print Page Options

Ang Panalangin ni Habakuk

Panalangin ni propeta Habakuk ayon sa Shigionot.

O Panginoon, narinig ko ang tungkol sa iyo
    at ako'y natatakot.
O Panginoon, buhayin mong muli ang iyong mga gawa sa gitna ng mga taon.
    Sa gitna ng mga taon ay ipaalam mo iyon,
    sa kapootan ay alalahanin mo ang kaawaan.
Ang Diyos ay dumating mula sa Teman,
    at ang Banal mula sa Bundok ng Paran. Selah
Ang kanyang kaluwalhatia'y tumakip sa mga langit,
    at ang lupa'y punô ng kanyang kapurihan.
Ang kanyang ningning ay parang liwanag;
    may mga sinag na nagliliwanag mula sa kanyang kamay;
    at doo'y ikinubli niya ang kanyang kapangyarihan.
Sa unahan niya'y nagpapauna ang peste,
    at ang salot ay malapit na sumusunod.
Siya'y tumayo at sinukat ang lupa.
    Siya'y tumingin at niliglig ang mga bansa;
at ang mga walang hanggang bundok ay nangalat;
    ang mga burol na walang hanggan ay nagsiyukod.
    Ang kanyang mga pamamaraan ay walang hanggan.
Nakita ko ang mga tolda sa Cusan na nasa pagdadalamhati.
    Ang mga tabing ng lupain ng Midian ay nanginig.
Ang iyo bang poot ay laban sa mga ilog, O Panginoon?
    Ang iyo bang galit ay laban sa mga ilog,
    O ang iyo bang poot ay laban sa dagat,
kapag ikaw ay sumasakay sa iyong mga kabayo,
    sa iyong karwahe ng kaligtasan?
Hubad na nilantad mo ang iyong pana,
    ayon sa panunumpa na tungkol sa iyong salita. Selah
    Iyong nilagyan ng mga ilog ang lupa.
10 Nakita ka ng mga bundok at ang mga ito'y nanginig;
    ang rumaragasang tubig ay dumaan,
ibinigay ng kalaliman ang kanyang tinig,
    at itinaas nito ang kanyang mga kamay.
11 Ang araw at buwan ay tumigil sa kanilang mataas na lugar,
    sa liwanag ng iyong mga palaso sila'y umalis,
    sa kislap ng iyong makinang na sibat.
12 Ikaw ay lumakad na may galit sa mga lupain,
    iyong tinapakan ang mga bansa sa galit.
13 Ikaw ay lumabas upang iligtas ang iyong bayan,
    at iligtas ang iyong pinahiran ng langis.
Iyong dinurog ang puno ng masamang sambahayan,
    hinubaran mo siya mula hita hanggang sa leeg. Selah
14 Iyong tinusok ang ulo ng kanyang mga mandirigma ng kanyang sariling sibat;
    na dumating na parang ipu-ipo upang pangalatin ako;
    ang kanilang kagalakan ay sakmaling lihim ang dukha.
15 Iyong tinapakan ang dagat ng iyong mga kabayo,
    ang bunton ng makapangyarihang tubig.

Ang Propeta ay Nagtitiwala sa Panginoon

16 Aking narinig, at ang aking katawan ay nanginginig,
    ang aking mga labi ay nangangatal sa tinig;
ang kabuluka'y pumapasok sa aking mga buto,
    ang aking mga hakbang ay nanginginig.
Ako'y tahimik na maghihintay sa araw ng kapahamakan,
    na dumating sa bayan na sumasakop sa atin.
17 Bagama't ang puno ng igos ay hindi namumulaklak,
    ni magkakaroon man ng bunga sa mga puno ng ubas;
    ang olibo ay hindi magbubunga,
at ang mga bukid ay hindi magbibigay ng pagkain;
ang kawan ay aalisin sa kulungan,
    at hindi na magkakaroon ng bakahan sa mga silungan,
18 gayunma'y magagalak ako sa Panginoon,
    ako'y magagalak sa Diyos ng aking kaligtasan.
19 Ang(A) Diyos, ang Panginoon, ay aking kalakasan;
    ginagawa niya ang aking mga paa na gaya ng sa mga usa,
    pinalalakad niya ako sa aking matataas na dako.
Sa Punong Manunugtog: na may panugtog na may kuwerdas.

'Habacuc 3 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang pagliligtas ng Panginoon sa kaniyang bayan.

Panalangin ni Habacuc na propeta, itinugma sa Sigionoth.
Oh Panginoon, aking narinig ang kagitingan mo, at ako'y natatakot:
Oh Panginoon, buhayin mo ang iyong gawa sa gitna ng mga taon;
Sa gitna ng mga taon ay iyong ipabatid;
Sa kapootan ay alalahanin mo ang kaawaan.
Ang Dios ay nanggaling mula sa Tema,
At ang Banal ay mula sa bundok ng Paran. (Selah)
Ang kaniyang kaluwalhatia'y tumakip sa langit.
At ang lupa'y napuno ng kaniyang kapurihan.
At ang kaniyang ningning ay parang liwanag;
Siya'y may mga sinag na nagbubuhat sa kaniyang kamay;
At (A)doo'y nakukubli ang kaniyang kapangyarihan.
Sa unahan niya'y nagpapauna ang salot,
At nagniningas na baga ang lumalabas sa kaniyang mga paa.
Siya'y tumayo, at sinukat ang lupa;
Siya'y tumingin, at pinaghiwalay ang mga bansa;
(B)At ang mga walang hanggang bundok ay nangalat;
(C)Ang mga burol na walang hanggan ay nagsiyukod;
Ang kaniyang mga lakad ay gaya noong araw.
Nakita ko ang mga tolda sa Cushan sa pagdadalamhati;
Ang mga tabing ng lupain ng Madian ay nanginig.
Kinasasamaan baga ng loob ng Panginoon ang mga ilog?
Ang iyo bagang galit ay laban sa mga ilog,
O ang iyo bagang poot ay laban sa dagat,
(D)Na ikaw ay sumakay sa iyong mga kabayo,
Sa iyong mga karo ng kaligasan?
Ang iyong busog ay nahubarang lubos;
Ang mga panunumpa sa mga lipi ay tunay na salita. (Selah)
Iyong pinuwangan ng mga ilog ang lupa.
10 Ang mga bundok ay nangakakita sa iyo, at (E)nangatakot;
Ang unos ng tubig ay dumaan:
Inilakas ng kalaliman ang kaniyang tinig,
At itinaas ang kaniyang mga kamay sa itaas.
11 Ang araw at buwan ay (F)tumigil sa kanilang tahanan,
Sa liwanag ng iyong mga pana habang sila'y nagsisiyaon,
Sa kislap ng iyong makinang na sibat.
12 Ikaw ay lumakad sa mga lupain sa pagkagalit;
Iyong giniik ang mga bansa sa galit.
13 Ikaw ay lumabas sa ikaliligtas ng iyong bayan,
Sa ikaliligtas ng iyong pinahiran ng langis;
(G)Iyong sinugatan ang pangulo ng bahay ng masama,
(H)Na inililitaw ang patibayan hanggang sa leeg. (Selah)
14 Iyong mga pinalagpasan ng kaniyang sariling mga sibat ang ulo ng kaniyang mga mangdidigma:
Sila'y nagsiparitong parang ipoipo upang pangalatin ako;
Ang kanilang kagalakan ay sakmaling lihim ang dukha.
15 Ikaw ay nagdaan sa dagat sa iyong mga kabayo.
Sa bunton ng makapangyarihang tubig.

Ang propeta ay nagtitiwala sa Panginoon.

16 Aking narinig, at ang aking katawan ay (I)nanginginig,
Ang aking mga labi ay nangatal sa tinig;
kabuluka'y pumapasok sa aking mga buto, at ako'y nanginginig sa aking dako;
Sapagka't ako'y kailangang magtiis sa kaarawan ng kabagabagan,
Sa pagsampa ng bayan na lumulusob sa atin.
17 Sapagka't bagama't ang puno ng igos ay hindi namumulaklak,
Ni magkakaroon man ng bunga sa mga puno ng ubas;
Ang bunga ng olibo ay maglilikat.
At ang mga bukid ay hindi magbibigay ng pagkain;
Ang kawan ay mahihiwalay sa kulungan,
At hindi na magkakaroon ng bakahan sa mga silungan:
18 Gayon ma'y magagalak (J)ako sa Panginoon,
Ako'y magagalak sa Dios ng aking kaligtasan.
19 Si Jehova, na Panginoon, siyang aking lakas;
At ginagawa niya ang aking mga paa na (K)gaya ng sa mga usa.
At ako'y palalakarin niya (L)sa aking mga mataas na dako.
Sa Pangulong Manunugtog, sa aking mga panugtog na kawad.