Add parallel Print Page Options

Kumain si Jose na kasalo ng kaniyang mga kapatid.

26 At nang dumating si Jose sa bahay, ay dinala nila sa kaniya (A)sa loob ng bahay, ang kaloob na nasa kanilang kamay, at sila'y nagpatirapa sa harap niya.

27 At sila'y kaniyang tinanong tungkol sa kanilang kalagayan, at sinabi, Wala bang sakit ang inyong ama, ang matanda (B)na inyong sinalita? buhay pa ba?

28 At kanilang sinabi, Walang sakit ang iyong lingkod na aming ama, buhay pa. At sila'y nagsiyukod at nagsigalang.

Read full chapter