Add parallel Print Page Options

At dinaya ako ng inyong ama, (A)at binagong (B)makasangpu ang aking kaupahan; datapuwa't hindi pinahintulutan siya ng Dios, na gawan ako ng masama.

Kung kaniyang sinabing ganito, (C)Ang mga may batik ang magiging kaupahan mo; kung magkagayo'y nanganganak ang lahat ng kawan ng mga may batik: at kung kaniyang sinabing ganito, Ang mga may guhit ang magiging kaupahan mo; kung magkagayo'y ang lahat ng kawan ay manganganak ng mga may guhit.

(D)Ganito inalis ng Dios ang mga hayop ng inyong ama, at ibinigay sa akin.

Read full chapter