Add parallel Print Page Options

At naglagay ang Panginoong Dios ng isang (A)halamanan sa Eden, sa dakong silanganan: at inilagay niya roon ang taong kaniyang nilalang.

At pinatubo ng Panginoong Dios sa lupa ang lahat na punong kahoy na nakalulugod sa paningin, at mabubuting kanin; (B)gayon din ang punong kahoy ng buhay sa gitna ng halamanan, at ang punong kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama.

10 At may isang ilog na lumabas sa Eden na dumilig sa halamanan; at mula roo'y nabahagi at nagapat na sanga.

Read full chapter