Add parallel Print Page Options

25 (A)Sa pamamagitan nga ng Dios ng iyong ama, na siyang tutulong sa iyo,
At sa pamamagitan ng Makapangyarihan sa lahat, na siyang magpapala sa iyo,
Ng pagpapala ng langit sa itaas, Pagpapala ng mga kalaliman na nalalagay sa ibaba,
Pagpapala ng mga dibdib at ng bahay-bata.

Read full chapter

13 At tungkol sa Jose ay kaniyang sinabi,
(A)Pagpalain nawa ng Panginoon ang kaniyang lupain,
Sa mga mahalagang bagay ng langit, (B)sa hamog,
At sa kalaliman na nasa ilalim niya,

Read full chapter

21 Kayong mga bundok ng Gilboa,
Huwag magkaroon ng hamog, o ulan man sa inyo, kahit mga bukid na mga handog:
Sapagka't diyan ang kalasag ng makapangyarihan ay nahagis ng kahalayhalay.
Ang kalasag ni Saul, na parang isa, na hindi (A)pinahiran ng langis.

Read full chapter

12 Sapagka't magkakaroon ng binhi ng kapayapaan; ang puno ng ubas ay magbubunga, at ang lupa'y mapapakinabangan, at ibibigay ng langit ang kaniyang hamog; at aking ipamamana sa nalabi sa bayang ito ang lahat na bagay na ito.

Read full chapter