Add parallel Print Page Options

20 (A)At kay Jose ay ipinanganak sa lupain ng Egipto si Manases at si Ephraim, na ipinanganak sa kaniya ni Asenath, na anak ni Potiphera na saserdote sa On.

21 (B)At ang mga anak ni Benjamin; si Bela; at si Becher, at si Asbel, si Gera, at si Naaman, si Ehi, at si Ros, si Muppim, at si Huppim, at si Ard.

22 Ito ang mga anak ni Raquel na ipinanganak kay Jacob: lahat ay labing apat.

23 At ang mga anak ni Dan; si Husim.

24 (C)At ang mga anak ni Nephtali; si Jahzeel, at si Guni, at si Jezer, at si Shillem.

25 (D)Ito ang mga anak ni Bilha, (E)na siyang ibinigay ni Laban kay Raquel na kaniyang anak, at ang mga ito ang ipinanganak niya kay Jacob; lahat na tao ay pito.

26 Lahat na tao na sumama kay Jacob sa Egipto, na nagsilabas sa kaniyang mga balakang, bukod pa ang mga asawa ng mga anak ni Jacob, ang lahat na tao ay anim na pu't anim;

27 At ang mga anak ni Jose na ipinanganak sa kaniya sa Egipto, ay dalawang katao; ang (F)lahat na tao sa sangbahayan ni Jacob, na napasa Egipto, ay pitongpu.

28 At pinapagpauna niya si Juda kay Jose, (G)upang ituro ang daan na patungo sa Gosen; at sila'y nagsidating sa lupain ng Gosen.

Sinalubong ni Jose ang kaniyang ama.

29 At inihanda ni Jose ang kaniyang karro, at sumampang sinalubong si Israel na kaniyang ama sa Gosen; at siya'y humarap sa kaniya, (H)at yumakap sa kaniyang leeg, at umiyak sa kaniyang leeg na matagal.

30 At sinabi ni Israel kay Jose, (I)Ngayo'y mamatay na ako yamang nakita ko na ang iyong mukha, na ikaw ay buháy pa.

31 At sinabi ni Jose sa kaniyang mga kapatid, at sa sangbahayan ng kaniyang ama, Ako'y (J)aahon, at aking sasaysayin kay Faraon, at aking sasabihin sa kaniya. Ang aking mga kapatid, at ang sangbahayan ng aking ama, na nangasa lupain ng Canaan, ay naparito sa akin;

32 At ang mga lalake ay mga pastor, sapagka't sila'y naging tagapagalaga ng hayop, at kanilang dinala ang kanilang mga kawan, at ang kanilang mga bakahan, at ang lahat nilang tinatangkilik.

33 At mangyayaring, pagka tatawagin kayo ni Faraon, at sasabihin, Ano ang inyong hanapbuhay?

34 (K)Na inyong sasabihin, Ang iyong mga lingkod ay naging (L)tagapagalaga ng hayop mula sa aming pagkabata hanggang ngayon, kami at ang aming mga magulang; upang kayo'y matira sa (M)lupain ng Gosen; (N)sapagka't bawa't pastor ay kasuklamsuklam sa mga Egipcio.

Read full chapter

Ang mga anak ni Manases.

14 Ang mga (A)anak ni Manases: si Asriel, na siyang ipinanganak ng kaniyang babae na Aramita; ipinanganak niya si Machir na ama ni Galaad.

15 At si Machir ay nagasawa kay Huppim at kay Suppim, na ang pangalan ng kapatid na babae nila ay Maacha; at ang pangalan ng ikalawa ay Salphaad: at si Salphaad ay nagkaanak ng mga babae.

16 At si Maacha na asawa ni Machir ay nanganak ng isang lalake, at tinawag niya ang kaniyang pangalan na Peres; at ang pangalan ng kaniyang kapatid ay Seres; at ang kaniyang mga anak ay si Ulam at si Recem.

17 At ang mga anak ni Ulam; si Bedan. Ito ang mga anak ni Galaad na anak ni Machir, na anak ni Manases.

18 At ipinanganak ng kaniyang kapatid na babae na si Molechet si Ichod, at si Abiezer, at si Mahala.

19 At ang mga anak ni Semida ay si Ahian, at si Sechem at si Licci, at si Aniam.

Ang mga anak ni Ephraim.

20 At ang mga anak ni Ephraim: si Suthela, at si Bered na kaniyang anak, at si Thahath na kaniyang anak, at si Elada na kaniyang anak, at si Thahath na kaniyang anak.

Read full chapter