Add parallel Print Page Options

At naglihi, at nanganak ng lalake; at tinawag niya ang kaniyang pangalang (A)Er.

At naglihi uli, at nanganak ng lalake; at tinawag niya ang kaniyang pangalang Onan.

At muling naglihi at nanganak ng lalake; at tinawag niya ang kaniyang pangalang Selah: at si Juda ay nasa sa Chezib nang siya'y manganak.

At pinapag-asawa ni Juda si Er na kaniyang panganay, at ang pangalan niyao'y Thamar.

At si Er, na panganay ni Juda, ay naging masama sa paningin ng Panginoon; (B)at siya'y pinatay ng Panginoon.

At sinabi ni Juda kay Onan, (C)Sumiping ka sa asawa ng iyong kapatid, at tuparin mo sa kaniya ang tungkulin ng kapatid ng asawa, at ipagbangon mo ng binhi ang iyong kapatid.

At nalalaman ni Onan na hindi magiging kaniya ang binhi; at nangyari, na pagka sisiping siya sa asawa ng kaniyang kapatid, ay pinatutulo niya sa lupa, nang huwag lamang niyang bigyan ng binhi ang kaniyang kapatid.

10 At ang bagay na ginawa niya ay masama sa paningin ng Panginoon, at siya'y pinatay rin naman.

Read full chapter

12 (A)At ang mga anak ni Juda; si Er, at si Onan, at si Sela, at si Phares, at si Zara; (B)nguni't si Er at si Onan ay namatay sa lupain ng Canaan. (C)At ang mga anak ni Phares, si Hezron at si Hamul.

Read full chapter