Add parallel Print Page Options

15 Ito ang mga (A)pangulo sa mga anak ni Esau: ang mga (B)anak ni Eliphaz, na panganay ni Esau; ang pangulong Teman, ang pangulong Omar, ang pangulong Zepho, ang pangulong Cenaz,

16 Ang pangulong Cora, ang pangulong Gatam, ang pangulong Amalec: ito ang mga pangulong nagmula kay Eliphaz sa lupain ng Edom; ito ang mga anak ni Ada.

17 At ito ang mga anak ni (C)Reuel na anak ni Esau; ang pangulong Nahath, ang pangulong Zera, ang pangulong Samma ang pangulong Mizza: ito ang mga pangulong nagmula kay Reuel sa lupain ng Edom; ito ang mga anak ni Basemath, na asawa ni Esau.

18 At ito ang mga anak ni (D)Aholibama na asawa ni Esau; ang pangulong Jeus, ang pangulong Jaalam, ang pangulong Cora: ito ang mga pangulong nagmula kay Aholibama na anak ni Ana, na asawa ni Esau.

19 Ito ang mga anak ni Esau, at ito ang kanilang mga pangulo: na siyang Edom.

Mga anak ni Seir.

20 (E)Ito ang mga anak ni Seir na (F)Horeo, na nagsisitahan sa lupain; si Lotan at si Sobal, at si Zibeon, at si Ana,

21 At si Dison, at si Ezer, at si Disan: ito ang mga pangulong nagmula sa mga Horeo, na mga angkan ni Seir sa lupain ng Edom.

22 At ang mga anak ni Lotan, ay si Hori at si Heman; at ang kapatid na babae ni Lotan ay si Timna.

23 At ito ang mga anak ni Sobal; si Alvan, at si Manahath, at si Ebal, si Zepho, at si Onam.

24 At ito ang mga anak ni Zibeon; si Aja at si Ana: ito rin ang si Ana na nakasumpong ng maiinit na bukal sa ilang, nang pinapanginginain ang mga asno ni Zibeon na kaniyang ama.

25 At ito ang mga anak ni Ana; si Dison at si Aholibama, na anak na babae ni Ana.

26 At ito ang mga anak ni Dizon: si Hemdan, at si Eshban, at si Ithram, at si Cheran.

27 Ito ang mga anak ni Ezer: si Bilhan, at si Zaavan at si Acan.

28 Ito ang mga anak ni Disan: si Huz at si Aran.

29 Ito ang mga pangulong nagmula sa mga Horeo; ang pangulong (G)Lotan, ang pangulong Sobal, ang pangulong Zibeon, ang pangulong Ana,

30 Ang pangulong Dison, ang pangulong Ezer, ang pangulong Disan: ito ang mga pangulong nagmula sa mga Horeo ayon sa kanilang mga pangulo, sa lupain ng Seir.

Mga Hari ng Edom.

31 (H)At ito ang mga hari na nagsipaghari sa lupain ng Edom bago maghari ang sinomang hari sa angkan ni Israel.

32 At si Bela na anak ni Beor ay naghari sa Edom; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Dinaba.

33 At namatay si Bela, at naghari na kahalili niya si Jobab na anak ni Zera, na taga Bozra.

34 At namatay si Jobab at naghari na kahalili niya si Husam, na taga lupain ng mga Temaneo.

35 At namatay si Husam, at naghari na kahalili niya si Adad, na anak ni Badad, na siya ring sumakit kay Midian sa parang ni Moab: at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Avita.

36 At namatay si Adad at naghari na kahalili niya si Samla na taga Masreca.

37 At namatay si Samla at naghari na kahalili niya si Saul, na taga (I)Rehoboth na tabi ng Ilog.

38 At namatay si Saul, at naghari na kahalili niya si Baalanan na anak ni Achbor.

39 At namatay si Baalanan na anak ni Achbor, (J)at naghari na kahalili niya si Adar; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Pau; at ang pangalan ng kaniyang asawa ay Meetabel na anak ni Matred, na anak na babae ni Mezaab.

40 (K)At ito ang mga pangalan ng mga pangulong nagmula kay Esau, ayon sa kanikaniyang angkan, ayon sa kanikaniyang dako, alinsunod sa kanikaniyang pangalan; ang pangulong Timma, ang pangulong Alva, ang pangulong Jetheth;

41 Ang pangulong Aholibama, ang pangulong Ela, ang pangulong Pinon.

42 Ang pangulong Cenaz, ang pangulong Teman, ang pangulong Mibzar.

43 Ang pangulong Magdiel, ang pangulong Hiram: ito ang mga pangulo ni Edom, ayon sa kanikaniyang tahanan sa lupain na kanilang pagaari. Ito'y si Esau na ama ng mga Edomita.

Read full chapter