Genesis 34:14
Ang Biblia (1978)
14 At sinabi niya sa kanila, Hindi namin magagawa ito, na ibigay ang aming kapatid sa isang hindi tuli; (A)sapagka't isang kasiraan ng puri namin.
Read full chapter
Mga Hukom 15:18
Ang Biblia (1978)
18 At siya'y nauhaw na mainam at tumawag sa Panginoon, at sinabi, Iyong ibinigay itong dakilang kaligtasan sa kamay ng iyong lingkod: at ngayo'y mamamatay ako dahil sa uhaw at mahuhulog sa kamay ng mga hindi tuli.
Read full chapter
1 Samuel 14:6
Ang Biblia (1978)
6 At sinabi ni Jonathan sa bataan na tagadala ng kaniyang sandata: Halika at tayo ay dumaan sa pulutong ng mga (A)hindi tuling ito: marahil ang Panginoon ay tutulong sa atin: sapagka't hindi maliwag sa Panginoon na (B)magligtas sa pamamagitan ng marami o ng kaunti.
Read full chapter
1 Samuel 17:26
Ang Biblia (1978)
26 At nagsalita si David sa mga lalaking nakatayo sa siping niya, na nagsasabi, (A)Ano ang gagawin sa lalaking makapatay sa Filisteong ito, at mag-alis sa Israel ng kadustaang ito? sapagka't sinong Filisteong ito na (B)hindi tuli na siya'y humahamon sa mga hukbo ng (C)buhay na Dios?
Read full chapter
1 Samuel 17:36
Ang Biblia (1978)
36 Pinapatay ng iyong lingkod ang leon at gayon din ang oso: at ang Filisteong ito na (A)hindi tuli ay magiging isa sa kanila, yamang kaniyang hinahamon ang mga hukbo ng Dios na buhay.
Read full chapter
1 Samuel 31:4
Ang Biblia (1978)
4 (A)Nang magkagayo'y sinabi ni Saul sa kaniyang tagadala ng sandata, Bunutin mo ang iyong tabak at palagpasan mo ako niyaon; baka dumating ang mga (B)hindi tuling ito at ako'y palagpasan, at ako'y kanilang pahirapan. Nguni't ayaw ang kaniyang tagadala ng sandata; sapagka't siya'y totoong natakot. (C)Kaya't kinuha ni Saul ang kaniyang tabak, at nagpakabuwal sa kaniyang tabak.
Read full chapter
2 Samuel 1:20
Ang Biblia (1978)
20 (A)Huwag ninyong saysayin sa Gath,
Huwag ninyong ihayag sa mga lansangan ng Ascalon;
(B)Baka ang mga anak na babae ng mga Filisteo ay mangagalak,
Baka ang mga anak na babae ng mga hindi tuli ay magtagumpay.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978