Add parallel Print Page Options

Ang pangako ni Jacob.

20 (A)At si Jacob ay nagpanata, na sinasabi, Kung sasaakin ang Dios, at ako'y iingatan sa daang ito na aking nilalakaran, at ako'y bibigyan ng tinapay na makakain, at damit na maisusuot,

Read full chapter

(A)Pagka ang isang lalake ay nagpanata ng isang panata sa Panginoon, o (B)sumumpa ng isang sumpa, na itinali ang kaniyang kaluluwa sa isang gampanin, ay huwag niyang sisirain ang kaniyang salita, kaniyang (C)gaganapin ayon sa lahat ng binuka ng kaniyang bibig.

Read full chapter

11 (A)At siya'y nanata ng isang panata, at nagsabi, Oh Panginoon ng mga hukbo, (B)kung tunay na iyong lilingunin ang pagkapighati ng iyong lingkod, at (C)aalalahanin mo at hindi mo kalilimutan ang iyong lingkod, kundi iyong pagkakalooban ang iyong lingkod ng anak na lalake, ay akin ngang ibibigay sa Panginoon sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay, at (D)walang pangahit na daraan sa kaniyang ulo.

Read full chapter