Add parallel Print Page Options

13 (A)At, narito, ang Panginoon ay nasa kataastaasan niyaon, at nagsabi, (B)Ako ang Panginoon, ang Dios ni Abraham na iyong ama, at ang Dios ni Isaac: (C)ang lupang kinahihigaan mo ay ibibigay ko sa iyo at sa iyong binhi;

14 (D)At ang iyong binhi ay magiging parang alabok sa lupa, at kakalat ka sa kalunuran, at sa silanganan, at sa hilagaan, at sa timugan (E)at sa iyo at sa iyong binhi ay pagpapalain ang lahat ng angkan sa lupa.

15 At, narito't (F)ako'y sumasa iyo, at iingatan kita saan ka man pumaroon, (G)at pababalikin kita sa lupaing ito (H)sapagka't hindi kita iiwan hanggang hindi ko magawa ang sinalita ko sa iyo.

16 At nagising si Jacob sa kaniyang panaginip, at nagsabi, (I)Tunay na ang Panginoon ay nasa dakong ito, at hindi ko nalalaman.

17 At siya'y natakot, at kaniyang sinabi, Kakilakilabot na dako ito! ito'y hindi iba kundi bahay ng Dios, at ito ang pintuan ng langit.

18 At si Jacob ay bumangong maaga ng kinaumagahan, at kinuha ang batong kaniyang inilagay sa ulunan niya, (J)at kaniyang itinayo na pinakaalaala, (K)at kaniyang binuhusan ng langis sa ibabaw.

19 (L)At ang ipinangalan niya sa dakong yaon ay Betel: datapuwa't ang pangalan ng bayan nang una ay Luz.

Read full chapter