Add parallel Print Page Options

13 (A)At, narito, ang Panginoon ay nasa kataastaasan niyaon, at nagsabi, (B)Ako ang Panginoon, ang Dios ni Abraham na iyong ama, at ang Dios ni Isaac: (C)ang lupang kinahihigaan mo ay ibibigay ko sa iyo at sa iyong binhi;

14 (D)At ang iyong binhi ay magiging parang alabok sa lupa, at kakalat ka sa kalunuran, at sa silanganan, at sa hilagaan, at sa timugan (E)at sa iyo at sa iyong binhi ay pagpapalain ang lahat ng angkan sa lupa.

15 At, narito't (F)ako'y sumasa iyo, at iingatan kita saan ka man pumaroon, (G)at pababalikin kita sa lupaing ito (H)sapagka't hindi kita iiwan hanggang hindi ko magawa ang sinalita ko sa iyo.

Read full chapter