Add parallel Print Page Options

Iba pang mga Naging Anak ni Abraham(A)

25 Si Abraham ay nag-asawa ng iba at ang kanyang pangalan ay Ketura.

Naging mga anak nito sina Zimram, Jokshan, Medan, Midian, Isbak, at Shua.

Naging anak ni Jokshan sina Seba at Dedan. At ang mga anak na lalaki ni Dedan ay sina Assurim, Letusim, at Leummim.

Ang mga ito ang naging anak ni Midian: Efa, Efer, Hanoc, Abida, at Eldaa. Lahat ng ito ay mga anak ni Ketura.

At ibinigay ni Abraham ang lahat ng kanyang pag-aari kay Isaac.

Subalit ang mga anak ng naging mga asawang-lingkod ni Abraham ay binigyan ni Abraham ng mga kaloob. Habang nabubuhay pa siya ay inilayo niya ang mga ito kay Isaac na kanyang anak. Kanyang pinapunta sila sa lupaing silangan.

At ito ang haba ng buhay ni Abraham, isandaan at pitumpu't limang taon.

Namatay at Inilibing si Abraham

Nalagot ang hininga ni Abraham at namatay sa mabuting katandaan, matanda at puspos ng mga taon; at naging kasama ng kanyang bayan.

Inilibing siya ng kanyang mga anak na sina Isaac at Ismael sa yungib ng Macpela, sa parang ni Efron na anak ni Zohar na Heteo, na nasa tapat ng Mamre,

10 sa(B) parang na binili ni Abraham sa mga anak ni Het. Doon inilibing si Abraham at si Sara na kanyang asawa.

11 Pagkamatay ni Abraham, pinagpala ng Diyos si Isaac na kanyang anak; at si Isaac ay nanirahan sa may Beer-lahai-roi.

Ang mga Anak ni Ismael(C)

12 Ang mga ito ang salinlahi ni Ismael, na anak ni Abraham, na naging anak kay Abraham ni Hagar na taga-Ehipto, na alila ni Sara.

13 Ito ang mga pangalan ng mga anak ni Ismael, ayon sa pagkakasunud-sunod ng kanilang kapanganakan: ang panganay ni Ismael ay si Nebayot, pagkatapos ay sina Kedar, Adbeel, Mibsam,

14 Misma, Duma, Massa,

15 Hadad, Tema, Jetur, Nafis, at si Kedema.

16 Ito ang mga anak ni Ismael, at ito ang kanya-kanyang pangalan, ayon sa kanya-kanyang nayon, at ayon sa kanya-kanyang kampo; labindalawang pinuno ayon sa kanilang bansa.

17 At ito ang haba ng buhay ni Ismael, isandaan at tatlumpu't pitong taon; at nalagot ang hininga at namatay; at siya'y naging kasama ng kanyang bayan.

18 Nanirahan sila mula sa Havila hanggang sa Shur, na tapat ng Ehipto, kapag patungo sa Asiria; siya'y nanirahang kasama ng lahat niyang mga kababayan.

Ipinanganak sina Esau at Jacob

19 Ito ang mga salinlahi ni Isaac, na anak ni Abraham: naging anak ni Abraham si Isaac,

20 at si Isaac ay apatnapung taon nang siya'y mag-asawa kay Rebecca, na anak ni Betuel na Arameo sa Padan-aram, kapatid na babae ni Laban na Arameo.

21 Nanalangin si Isaac sa Panginoon para sa kanyang asawa, sapagkat siya'y baog; at dininig ng Panginoon ang kanyang panalangin at si Rebecca na kanyang asawa ay naglihi.

22 Ang mga bata sa loob niya ay naglaban at kanyang sinabi, “Kung ito ay tama, bakit ako mabubuhay?” Kaya't siya'y humayo upang magtanong sa Panginoon.

23 Sinabi(D) sa kanya ng Panginoon,

“Dalawang bansa ang nasa iyong bahay-bata,
    at ang dalawang bayan na ipapanganak mo ay magiging hati;
ang isa ay magiging higit na malakas kaysa isa,
    at ang nakatatanda ay maglilingkod sa nakababata.”

Panganganak kay Esau at kay Jacob

24 Nang dumating ang panahon ng kanyang panganganak, kambal ang nasa kanyang bahay-bata.

25 Ang unang lumabas ay mapula na ang buong katawa'y parang mabalahibong damit; kaya't siya'y pinangalanang ng Esau.[a]

26 Pagkatapos ay lumabas ang kanyang kapatid, at ang kanyang kamay ay nakakapit sa sakong ni Esau; kaya't ang ipinangalan sa kanya ay Jacob.[b] Si Isaac ay may animnapung taon na nang sila'y ipanganak ni Rebecca.

Ipinagbili ni Esau ang Kanyang Pagkapanganay

27 Nang lumaki ang mga bata, si Esau ay naging sanay sa pangangaso, isang lalaki sa parang; samantalang si Jacob ay lalaking tahimik, na naninirahan sa mga tolda.

28 Minahal ni Isaac si Esau, sapagkat siya'y kumakain ng mula sa kanyang pangangaso, at minahal naman ni Rebecca si Jacob.

29 Minsan, nagluto si Jacob ng nilaga. Dumating si Esau mula sa parang at siya'y gutom na gutom.

30 Sinabi ni Esau kay Jacob, “Pakainin mo naman ako nitong mapulang nilaga sapagkat ako'y gutom na gutom.” Dahil dito ay tinawag ang kanyang pangalan na Edom.[c]

31 Sinabi ni Jacob, “Ipagbili mo muna sa akin ngayon ang iyong pagkapanganay.”

32 Sinabi ni Esau, “Ako'y malapit nang mamatay. Ano ang mapapakinabang ko sa pagkapanganay?”

33 Sinabi(E) ni Jacob, “Isumpa mo muna sa akin.” At sumumpa siya sa kanya at kanyang ipinagbili ang kanyang pagkapanganay kay Jacob.

34 At binigyan ni Jacob si Esau ng tinapay at nilaga na lentehas. Siya'y kumain, uminom, tumayo, at umalis. Ganyan hinamak ni Esau ang kanyang pagkapanganay.

Footnotes

  1. Genesis 25:25 Ang kahulugan ay mabalahibo .
  2. Genesis 25:26 Ang kahulugan ay Siya'y humawak sa sakong .
  3. Genesis 25:30 Sa Hebreo ay pula .
'Genesis 25 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Si Abraham at si Cetura.

25 At si Abraham ay nagasawa ng iba, at ang pangalan ay Cetura.

At (A)naging anak nito sa kaniya si Zimram at si Joksan, at si Medan, at si Midiam, at si Ishbak, at si Sua.

At naging anak ni Joksan si Seba at si Dedan. At ang mga anak na lalake ni Dedan, ay si Assurim at si Letusim, at si Leummim.

At ang mga anak ni Midian: si Epha at si Epher, at si Enech, at si Abida, at si Eldaa. Lahat ng ito ay mga anak ni Cetura.

(B)At ibinigay ni Abraham ang lahat ng kaniyang tinatangkilik kay Isaac.

Datapuwa't ang mga anak ng naging mga babae ni Abraham, ay pinagbibigyan ni Abraham ng mga kaloob; at samantalang nabubuhay pa siya ay (C)mga inilayo niya kay Isaac na kaniyang anak sa dakong silanganan (D)sa lupaing silanganan.

At ito ang mga araw ng mga taon ng buhay na ikinabuhay ni Abraham, isang daan at pitong pu't limang taon.

Ang kamatayan ni Abraham.

At (E)nalagot ang hininga ni Abraham at namatay sa mabuting katandaan, matanda at puspos ng mga taon; at (F)nalakip sa kaniyang bayan.

(G)At inilibing siya ni Isaac at ni Ismael na kaniyang mga anak sa yungib ng Macpela, sa parang ni Ephron, na anak ni Zohar na Hetheo, na nasa tapat ng Mamre;

10 Sa parang na binili ni Abraham sa mga anak ni Heth: (H)doon inilibing si Abraham at si Sara na kaniyang asawa.

11 At nangyari, pagkamatay ni Abraham, na pinagpala ng Dios si Isaac na kaniyang anak; at si Isaac ay nanahan sa tabi ng (I)Beer-lahai-roi.

12 Ang mga ito nga ang sali't saling lahi ni Ismael, anak ni Abraham, (J)na naging anak kay Abraham ni Agar na taga Egipto, na alila ni Sara:

13 (K)At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Ismael, ayon sa kanikaniyang lahi: ang panganay ni Ismael ay si Nabaioth; at si Cedar, at si Adbeel, at si Mibsam,

14 At si Misma, at si Duma, at si Maasa,

15 At si Hadad, at si (L)Tema, si (M)Jetur, si Naphis, at si Cedema:

16 Ito ang mga anak ni Ismael, at ito ang kanikaniyang pangalan, ayon sa kanikaniyang nayon, at ayon sa kanikaniyang hantungan: (N)labing dalawang pangulo ayon sa kanilang bansa.

17 At ito ang mga naging taon ng buhay ni Ismael, isang daan at tatlong pu't pitong taon; (O)at nalagot ang hininga at namatay; at siya'y nalakip sa kaniyang bayan.

18 (P)At nagsisitahan sila mula sa Havila hanggang sa (Q)Shur, na natatapat sa Egipto, kung patutungo sa Asiria; siya'y tumahan sa harap ng lahat niyang mga kapatid.

19 At ito ang mga sali't saling lahi ni Isaac, na anak ni Abraham: naging anak ni (R)Abraham si Isaac,

20 At si Isaac ay may apat na pung taon, nang siya'y magasawa kay Rebeca, na (S)anak ni Bethuel na taga Siria sa Padan-aram, (T)kapatid na babae ni Laban na taga Siria.

21 At nanalangin si Isaac sa Panginoon dahil sa kaniyang asawa, sapagka't baog; (U)at nadalanginan niya ang Panginoon, at si Rebeca na kaniyang asawa ay naglihi.

22 At nagbubuno ang mga bata sa loob niya; at kaniyang sinabi, Kung ganito'y bakit nabubuhay pa ako? (V)At siya'y yumaong nagsiyasat sa Panginoon.

23 At sinabi sa kaniya ng Panginoon,

Dalawang bansa ay nasa iyong bahay-bata,
At (W)dalawang bayan ay papaghihiwalayin mula sa iyong tiyan:
At ang isang (X)bayan ay magiging malakas kaysa isang bayan;
(Y)At ang matanda ay maglilingkod sa bata.

Panganganak kay Esau at kay Jacob.

24 At nang matupad ang mga araw ng kaniyang kapanganakan, narito't kambal sa kaniyang bahay-bata.

25 At ang unang lumabas ay mapula na (Z)buong katawa'y parang mabalahibong damit; at siya'y pinanganlang Esau.

26 At pagkatapos ay lumabas ang kaniyang kapatid, at ang kaniyang kamay ay (AA)nakakapit sa sakong ni Esau; (AB)at ipinangalan sa kaniya ay Jacob: at si Isaac ay may anim na pung taon na, nang sila'y ipanganak ni Rebeca.

Ipinagbili ni Esau ang kaniyang pagkapanganay.

27 At nagsilaki ang mga bata; (AC)at si Esau ay naging maliksi sa pangangaso, lalake sa parang; at si Jacob ay lalaking tahimik, na tumatahan sa mga tolda.

28 Minamahal nga ni Isaac si Esau, (AD)sapagka't kumakain ng kaniyang pinangangasuhan: (AE)at minamahal ni Rebeca si Jacob.

29 At nagluto si Jacob ng lutuin: at dumating si Esau na galing sa parang, at siya'y nanglalambot:

30 At sinabi ni Esau kay Jacob, Ipinamamanhik ko sa iyo na pakanin mo ako niyaong mapulang lutuin; sapagka't ako'y nanglalambot: kaya't tinawag ang pangalan niya na Edom.

31 At sinabi ni Jacob, Ipagbili mo muna sa akin ang iyong pagkapanganay.

32 At sinabi ni Esau, Narito, ako'y namamatay: at saan ko mapapakinabangan ang pagkapanganay?

33 At sinabi ni Jacob, Isumpa mo muna sa akin; at isinumpa niya sa kaniya: (AF)at kaniyang ipinagbili ang kaniyang pagkapanganay kay Jacob.

34 At binigyan ni Jacob si Esau ng tinapay at nilutong lentehas; at siya'y kumain, at uminom, at bumangon at yumaon: gayon niwalang halaga ni Esau ang kaniyang pagkapanganay.