Add parallel Print Page Options

Pinagpala ni Melquisedec si Abram.

18 At si (A)Melquisedec, na hari sa Salem, ay naglabas ng tinapay at alak; at siya'y (B)saserdote ng Kataastaasang (C)Dios.

19 At binasbasan niya siya na sinabi, Pagpalain si Abram ng Kataastaasang Dios, na (D)may-ari ng langit at ng lupa:

20 At purihin ang Kataastaasang Dios, na nagbigay ng iyong mga kaaway sa iyong kamay. (E)At binigyan siya ni Abram ng ikasangpung bahagi ng buong samsam.

Read full chapter