Menu
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
account
Share feedback on the new Bible Gateway
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
Share feedback on the new Bible Gateway
  • Read the Bible
    • Reading Plans
    • Advanced Search
    • Available Versions
    • Audio Bibles
  • Study Tools
    • Scripture Engagement
    • More Resources
  • Explorer More
    • Bible News
    • Newsletters
    • Devotionals
    • Bible Gateway App
    • Bible Audio App
    • Bible Gateway Blog
  • Store
    • Bibles
    • Deals
    • More
  • Bible Gateway Plus
ABTAG1978
Version
Bible Books Bible Books
ABTAG1978
Version
Read
Study
Explore
Store
Bible Gateway Plus
Light Mode Dark Mode
Font Size
Log In show menu
Previous Next
PrintPrintSettingsSettingsShareShareParallelParallelExpandExpandCollapse

Filipos 2  Ang Biblia (1978)

2 Kaya nga kung mayroong anomang kasiglahan kay Cristo, kung mayroong anomang kaaliwan ng pagibig, kung mayroong anomang pakikisama ng Espiritu, (A)kung mayroong anomang (B)mahinahong awa at habag,

2 Ay lubusin ninyo ang aking katuwaan, (C)upang kayo'y mangagkaisa ng pagiisip, mangagtaglay ng isa ring pagibig, na mangagkaisa ng akala, at isa lamang pagiisip;

3 Na huwag ninyong gawin ang anoman sa pamamagitan ng (D)pagkakampikampi o sa pamamagitan ng pagpapalalo, kundi (E)sa kababaan ng pagiisip, (F)na ipalagay ng bawa't isa ang iba na lalong mabuti kay sa kaniyang sarili;

4 Huwag tingnan ng bawa't isa sa inyo ang sa kaniyang sarili, kundi ang (G)bawa't isa naman ay sa iba't iba.

5 Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip, na (H)ito'y na kay Cristo Jesus din naman:

6 Na siya, bagama't (I)nasa anyong Dios, (J)ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios,

7 Kundi bagkus (K)hinubad niya ito, (L)at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao:

8 At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, (M)na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.

9 (N)Kaya siya naman ay pinakadakila ng (O)Dios, at (P)siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan;

10 Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang (Q)lahat ng tuhod, ng (R)nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa,

11 At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay (S)Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama.

12 Kaya nga, mga minamahal ko, kung paano ang inyong laging pagsunod, na hindi lamang sa harapan ko, kundi bagkus pa ngayong ako'y wala, ay lubusin ninyo ang gawain ng inyong sariling pagkaligtas na may (T)takot at panginginig;

13 Sapagka't (U)Dios ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanasa at sa paggawa, ayon sa kaniyang mabuting kalooban.

14 Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay na walang mga bulungbulong at pagtatalo:

15 Upang kayo'y maging walang sala at walang malay, (V)mga anak ng Dios na walang dungis (W)sa gitna ng isang lahing (X)liko at masama, na sa gitna nila'y lumiliwanag kayong (Y)tulad sa mga ilaw sa sanglibutan,

16 Na nagpapahayag (Z)ng salita ng kabuhayan; upang may ipagkapuri (AA)ako sa kaarawan ni Cristo, na (AB)hindi ako tumakbo nang walang kabuluhan (AC)ni nagpagal man nang walang kabuluhan.

17 Oo, kahit (AD)ako'y maging hain sa paghahandog (AE)at paglilingkod ng inyong pananampalataya, (AF)ako'y nakikipagkatuwa, at nakikigalak sa inyong lahat:

18 At sa ganyan ding paraan kayo'y nakikipagkatuwa naman, at nakikigalak sa akin.

19 Datapuwa't inaasahan ko sa Panginoong Jesus na suguing madali sa inyo si (AG)Timoteo, upang ako naman ay mapanatag, pagkaalam ko ng inyong kalagayan.

20 Sapagka't walang taong katulad ko ang pagiisip na magmamalasakit na totoo sa inyong kalagayan.

21 Sapagka't (AH)pinagsisikapan nilang (AI)lahat ang sa kanilang sarili, hindi ang mga bagay ni Jesucristo.

22 Nguni't nalalaman ninyo ang pagkasubok sa kaniya (AJ)na gaya ng paglilingkod ng anak sa ama, ay gayon naglilingkod siyang kasama ko sa ikalalaganap ng evangelio.

23 Siya nga ang aking inaasahang suguin madali, pagkakita ko kung ano ang mangyayari sa akin:

24 Datapuwa't (AK)umaasa ako sa Panginoon, na diya'y makararating din naman akong madali.

25 Nguni't inakala kong kailangang suguin sa inyo si (AL)Epafrodito, na aking kapatid at kamanggagawa, at kapuwa kawal at inyong sugo at katiwala sa aking kailangan.

26 Yamang siya'y nananabik sa inyong lahat, at totoong siya'y namanglaw, sapagka't inyong nabalitaan na siya'y may-sakit:

27 Katotohanan ngang nagkasakit siya na malapit na sa kamatayan: nguni't kinahabagan siya ng Dios; at hindi lamang siya kundi pati ako, upang ako'y huwag magkaroon ng sapinsaping kalumbayan.

28 Siya nga'y sinugo kong may malaking pagpipilit, upang, pagkakitang muli ninyo sa kaniya, kayo'y mangagalak, at ako'y mabawasan ng kalumbayan.

29 Tanggapin nga ninyo siya sa Panginoon ng buong galak; at ang gayon ay papurihan ninyo:

30 Sapagka't dahil sa pagpapagal kay Cristo ay nalapit siya sa kamatayan, na isinasapanganib ang kaniyang buhay (AM)upang punan ang kakulangan sa inyong paglilingkod sa akin.

Cross references

  1. 2:1 : 2 Cor. 13:13.
  2. 2:1 : Col. 3:12.
  3. 2:2 : Fil. 3:16.
  4. 2:3 : Fil. 1:16.
  5. 2:3 : Ef. 4:2.
  6. 2:3 : Rom. 12:10.
  7. 2:4 : Rom. 15:2.
  8. 2:5 : Mat. 11:29.
  9. 2:6 : Juan 1:1, 2; 17:5; 2 Cor. 4:4.
  10. 2:6 : Juan 5:18; 10:33.
  11. 2:7 : Is. 53:3; 2 Cor. 8:9.
  12. 2:7 : Is. 42:1; Mat. 20:28.
  13. 2:8 : Mat. 26:39, 42; Heb. 5:8.
  14. 2:9 : Juan 10:17.
  15. 2:9 : Mat. 28:18.
  16. 2:9 : Ef. 1:21.
  17. 2:10 : Ef. 3:14.
  18. 2:10 : Apoc. 5:3, 13.
  19. 2:11 : Rom. 14:9.
  20. 2:12 : Ef. 6:5.
  21. 2:13 : 1 Cor. 15:10; Heb. 13:21.
  22. 2:15 : Mat. 5:45.
  23. 2:15 : 1 Ped. 2:12.
  24. 2:15 : Gawa 2:40.
  25. 2:15 : Mat. 5:14, 16.
  26. 2:16 : Heb. 4:12.
  27. 2:16 : 2 Cor. 1:14.
  28. 2:16 : 1 Cor. 9:24; Gal. 2:2.
  29. 2:16 : 1 Tes. 3:5.
  30. 2:17 : 2 Tim. 4:6.
  31. 2:17 : Rom. 15:16.
  32. 2:17 : 2 Cor. 7:4; Col. 1:24.
  33. 2:19 : Gawa 16:1.
  34. 2:21 : 1 Cor. 10:24.
  35. 2:21 : 2 Tim. 4:10, 16.
  36. 2:22 : 1 Cor. 4:17; 1 Tim. 1:2; 2 Tim. 1:2.
  37. 2:24 : Fil. 1:25.
  38. 2:25 : Fil. 4:18.
  39. 2:30 : 1 Cor. 16:17.
Next
Filipos 1
Filipos 3
Next
dropdown
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978

Philippine Bible Society - Making the Bible Known
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo

Font Size

Font Size

Dark Mode

Light Mode Dark Mode

About

  • About
  • Learn About the Bible
  • Statement of Faith
  • Mobile App
  • Store
  • Blog
  • Newsroom
  • Support Us

Help

  • FAQs
  • Tutorials
  • Use Bible Gateway on Your Site
  • Advertise with us
  • Contact us
  • Privacy policy
  • California Privacy Rights
  • Do Not Sell My Personal Information
  • Site: Terms of use
  • Widget: Terms of use

Our Network

  • FaithGateway
  • StudyGateway
  • ChurchSource
  • HarperCollins Christian Publishing
  • Grupo Nelson
  • Editorial Vida
  • Thomas Nelson
  • WestBow Press
  • Zondervan
  • MasterLectures

Social

  • Facebook
  • Instagram
  • Pinterest
  • TikTok
  • X
  • YouTube

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences
Sign Up for Bible Gateway: News & Knowledge
Get weekly Bible news, info, reflections, and deals in your inbox.

By submitting your email address, you understand that you will receive email communications from Bible Gateway, operated by HarperCollins Christian Publishing, 501 Nelson Pl, Nashville, TN 37214 USA, including commercial communications and messages from partners of Bible Gateway. You may unsubscribe from Bible Gateway’s emails at any time. If you have any questions, please review our Privacy Policy or email us at privacy@biblegateway.com.

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences