Menu
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
account
Share feedback on the new Bible Gateway
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
Share feedback on the new Bible Gateway
  • Read the Bible
    • Reading Plans
    • Advanced Search
    • Available Versions
    • Audio Bibles
  • Study Tools
    • Scripture Engagement
    • More Resources
  • Explorer More
    • Bible News
    • Newsletters
    • Devotionals
    • Bible Gateway App
    • Bible Audio App
    • Bible Gateway Blog
  • Store
    • Bibles
    • Deals
    • More
  • Bible Gateway Plus
ABTAG1978
Version
Bible Books Bible Books
ABTAG1978
Version
Read
Study
Explore
Store
Bible Gateway Plus
Light Mode Dark Mode
Font Size
Log In show menu
Previous Next
PrintPrintSettingsSettingsShareShareParallelParallelExpandExpandCollapse

Filipos 1  Ang Biblia (1978)

1 Si Pablo at si (A)Timoteo, na mga alipin ni Cristo Jesus, sa lahat ng mga banal (B)kay Cristo Jesus na nangasa (C)Filipos, pati ng mga (D)obispo at ng mga (E)diakono:

2 Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo.

3 (F)Ako'y nagpapasalamat sa aking Dios, sa tuwing kayo'y aking naaalaala,

4 Na parating sa bawa't daing ko, ay masayang nananaing ako na patungkol sa inyong lahat,

5 Dahil sa inyong pakikisama (G)sa pagpapalaganap ng evangelio, mula nang unang araw hanggang ngayon;

6 Na ako'y may lubos na pagkakatiwala sa bagay na ito, na ang nagpasimula sa inyo ng mabuting gawa, ay lulubusin (H)hanggang sa araw ni Jesucristo:

7 Gaya ng matuwid na aking isiping gayon tungkol sa inyong lahat, sapagka't kayo'y nasa aking puso, palibhasa'y, (I)sa aking mga tanikala at (J)pagsasanggalang at sa pagpapatunay naman sa evangelio, kayong lahat na kasama ko ay may bahagi sa biyaya.

8 Sapagka't saksi ko ang Dios, (K)kung gaano ang pananabik ko sa inyong lahat sa (L)mahinahong habag ni Cristo Jesus.

9 At ito'y idinadalangin ko, na ang inyong pagibig ay lalo't lalo pang sumagana nawa sa (M)kaalaman at sa lahat ng pagkakilala;

10 Upang (N)inyong kilalanin ang mga bagay na magagaling; upang kayo'y maging mga tapat at walang kapintasan (O)hanggang sa kaarawan ni Cristo;

11 Na mangapuspos ng (P)bunga ng kabanalan, na ito'y sa pamamagitan ni Jesucristo, (Q)sa ikaluluwalhati at ikapupuri ng Dios.

12 Ngayon ibig ko na inyong maalaman, mga kapatid, na ang mga bagay na nangyari sa akin ay nangyari sa lalong ikasusulong ng evangelio;

13 Ano pa't ang aking mga tanikala kay Cristo ay nahayag sa lahat ng mga bantay ng pretorio, at sa mga iba't iba pa;

14 At ang karamihan sa mga kapatid sa Panginoon, na palibhasa'y may pagkakatiwala sa aking mga tanikala, ay lalong nagkaroon ng tapang upang salitaing walang takot ang salita ng Dios.

15 Tunay na ipinangangaral ng iba si Cristo sa kapanaghilian at sa pakikipagtalo; at ng mga iba naman sa mabuting kalooban:

16 Ang isa'y gumagawa nito sa pagibig, palibhasa'y nalalaman na ako'y nalalagay sa (R)pagsasanggalang ng evangelio;

17 Datapuwa't itinatanyag ng iba si Cristo dahil sa pagkakampikampi, hindi sa pagtatapat, na ang iniisip ay dalhan ako ng kapighatian sa aking mga tanikala.

18 Ano nga? gayon man, sa lahat ng paraan, maging sa pagdadahilan o sa katotohanan, ay itinatanyag si Cristo; at sa ganito'y nagagalak ako, oo, at ako'y magagalak.

19 Sapagka't nalalaman ko na ang kahihinatnan nito'y sa aking ikaliligtas, (S)sa pamamagitan ng inyong pananaing at kapuspusan (T)ng Espiritu ni Cristo,

20 Ayon sa aking maningas na paghihintay at pagasa, na, (U)sa anoma'y hindi ako mapapahiya, kundi (V)sa buong katapangan, na gaya ng dati, gayon din naman ngayon, ay dadakilain si Cristo sa aking katawan, maging sa pamamagitan ng kabuhayan, o sa pamamagitan ng kamatayan.

21 Sapagka't sa ganang akin (W)ang mabuhay ay si Cristo, at ang mamatay ay pakinabang.

22 Nguni't kung ang mabuhay sa laman ay siya kong palad,—ito'y magiging mabungang pagpapagal, na aywan ko nga kung ano ang aking pipiliin.

23 Sapagka't ako'y nagigipit (X)sa magkabila, akong may nasang (Y)umalis at suma kay Cristo; sapagka't ito'y lalong mabuti:

24 Gayon ma'y ang manatili sa laman ay siyang lalong kinakailangan dahil sa inyo.

25 At sa pagkakatiwalang ito, ay aking nalalaman na ako'y mananatili, oo, at mananatili ako na kasama ninyong lahat, sa ikasusulong ninyo at ikagagalak sa pananampalataya;

26 Upang managana ang inyong pagmamapuri kay Cristo Jesus sa akin sa pamamagitan ng aking pagharap na muli sa inyo.

27 Ang inyo lamang pamumuhay (Z)ay maging karapatdapat sa evangelio ni Cristo: upang, maging ako ay dumating at kayo'y makita, o wala man sa harap ninyo, ay mabalitaan ko ang inyong kalagayan, na (AA)kayo'y matitibay sa isang espiritu, (AB)na kayo'y mangagkaisa ng kaluluwa (AC)na nangagsisikap sa pananampalataya sa evangelio;

28 At sa anoman ay huwag kayong mangatakot sa mga kaaway: (AD)na ito sa kanila ay malinaw na tanda ng kapahamakan, datapuwa't tanda ng inyong pagkaligtas, at ito'y mula sa Dios;

29 Sapagka't sa inyo'y (AE)ipinagkaloob alangalang kay Cristo, hindi lamang upang manampalataya sa kaniya, kundi upang magtiis din naman alangalang sa kaniya:

30 Yamang taglay ninyo ang pakikipagbuno (AF)na inyong nakita rin sa akin, at ngayo'y nababalitaan ninyong taglay ko.

Cross references

  1. 1:1 : Gawa 16:1.
  2. 1:1 : 1 Cor. 1:2.
  3. 1:1 : Gawa 16:12.
  4. 1:1 : Gawa 20:28; 1 Tim. 3:2; Tit. 1:7.
  5. 1:1 : 1 Tim. 3:8, 12.
  6. 1:3 : Rom. 1:7, 8.
  7. 1:5 : Gawa 16:12-40; Fil. 4:15.
  8. 1:6 : tal. 10; 2 Cor. 1:14.
  9. 1:7 : Ef. 6:20.
  10. 1:7 : tal. 17.
  11. 1:8 : Fil. 2:26; 4:1.
  12. 1:8 : Col. 3:12.
  13. 1:9 : Col. 1:9.
  14. 1:10 : Rom. 12:2; Ef. 5:10.
  15. 1:10 : tal. 6.
  16. 1:11 : Juan 15:5.
  17. 1:11 : Ef. 1:12, 14.
  18. 1:16 : tal. 7.
  19. 1:19 : 2 Cor. 1:11.
  20. 1:19 : Rom. 8:9.
  21. 1:20 : Rom. 5:5.
  22. 1:20 : Ef. 6:19.
  23. 1:21 : Gal. 2:20.
  24. 1:23 : 2 Cor. 5:8.
  25. 1:23 : 2 Tim. 4:6.
  26. 1:27 : Ef. 4:1.
  27. 1:27 : Fil. 4:1.
  28. 1:27 : Gawa 4:32; 1 Cor. 1:10; Fil. 2:2.
  29. 1:27 : Jud. 3.
  30. 1:28 : Luc. 21:13; 2 Tes. 1:5, 6.
  31. 1:29 : Mat. 5:12; Gawa 5:41.
  32. 1:30 : Gawa 16:19-24.
Next
Efeso 6
Filipos 2
Next
dropdown
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978

Philippine Bible Society - Making the Bible Known
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo

Font Size

Font Size

Dark Mode

Light Mode Dark Mode

About

  • About
  • Learn About the Bible
  • Statement of Faith
  • Mobile App
  • Store
  • Blog
  • Newsroom
  • Support Us

Help

  • FAQs
  • Tutorials
  • Use Bible Gateway on Your Site
  • Advertise with us
  • Contact us
  • Privacy policy
  • California Privacy Rights
  • Do Not Sell My Personal Information
  • Site: Terms of use
  • Widget: Terms of use

Our Network

  • FaithGateway
  • StudyGateway
  • ChurchSource
  • HarperCollins Christian Publishing
  • Grupo Nelson
  • Editorial Vida
  • Thomas Nelson
  • WestBow Press
  • Zondervan
  • MasterLectures

Social

  • Facebook
  • Instagram
  • Pinterest
  • TikTok
  • X
  • YouTube

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences
Sign Up for Bible Gateway: News & Knowledge
Get weekly Bible news, info, reflections, and deals in your inbox.

By submitting your email address, you understand that you will receive email communications from Bible Gateway, operated by HarperCollins Christian Publishing, 501 Nelson Pl, Nashville, TN 37214 USA, including commercial communications and messages from partners of Bible Gateway. You may unsubscribe from Bible Gateway’s emails at any time. If you have any questions, please review our Privacy Policy or email us at privacy@biblegateway.com.

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences